Actor-cum-businessman biglang di isinama ng nagbakasyong GF. Biktima nga ba ng ghosting? | Bandera

Actor-cum-businessman biglang di isinama ng nagbakasyong GF. Biktima nga ba ng ghosting?

Reggee Bonoan |April 03,2021
facebook
share this

Actor-cum-businessman biglang di isinama ng nagbakasyong GF. Biktima nga ba ng ghosting?

Reggee Bonoan - April 03, 2021 - 05:07 PM

Nagmumukmok ang actor-cum-businessman dahil ang inakala niyang magbabakasyon siya sa di kalayuang probinsya kasama ang kanyang unannounced girlfriend ay hindi natuloy dahil hindi siya isinama.

Kuwento ng kaibigan ng actor-cum-businessman, “Siyempre mahaba ang bakasyon, so nag-expect siya na magkasama sila. E, nalaman niya iniwan na siya. Tapos hindi na siya sinasagot ni (girlfriend).”

May usapan ba kasing magbabakasyon sila o magkasama sila ngayong Mahal na Araw?

“Oo napag-usapan na noon daw. Tapos nitong malapit na ‘yung Mahal na Araw hindi na nagparamdam si (girlfriend). Tapos nalaman sa common friend nila na gusto ni (girlfriend) na makasama ang family niya kasi pagkatapos sasabak na ulit siya sa trabaho. Okay naman ‘yun kung nagsabi, e, biglang hindi na nagparamdam,” tsika ng kaibigan ng actor-cum businessman.

So biktima ng ghosting ang actor-cum-businessman ng kanyang unannounced dyowa?

Samantala, tsinek namin ang social media account ng actor at ng unannounced girlfriend na pareho silang walang ganap sa kasalukuyan. Puro mga lumang post pa na ibig sabihin ay pahinga sila pareho sa socmed.

Curious din kami kung bakit hindi pa sila umaamin? Halos lahat ng may mga lihim na relasyon noong 2020 ay umamin na.

Baka naman nagdadalawang-isip si girlfriend kasi hindi pa siya handa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending