Jericho unang-unang nag-comment sa life updates ni Kathryn

Jericho unang-unang nag-comment sa life updates ni Kathryn: Sweet yarn!

Ervin Santiago |February 18,2024
facebook
share this

Jericho unang-unang nag-comment sa life updates ni Kathryn: Sweet yarn!

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 01:33 PM

Jericho unang-unang nag-comment sa life updates ni Kathryn: Sweet yarn!

Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

IN FAIRNESS, unang-una talagang nag-comment ang actor-singer na si Jericho Rosales sa latest post ni Kathryn Bernardo sa Instagram.

Kagabi, February 17, nagbahagi ang Kapamilya actress at Box-Office Queen ng ilang litrato at mga kaganapan sa kanyang buhay nitong mga nakaraang araw.

Makikita sa kanyang IG post ang mga photos kasama ang mga kaibigan at ilang mahal sa buhay, kabilang na rito ang mga litrato niya sa airport.

Aniya sa caption, “Let’s start with day 1, shall we?”

“Pic 1: First time to travel alone! Pic 2: Look who picked me up from the airport. I missed you, dsnts!!

Baka Bet Mo: Nikko Natividad bumanat sa basher, wala raw ‘kwenta’ kaya ligwak sa Showtime?

“Pic 3: Where most of the catching-up happened (sofa with lampshade emoji). Pic 4: Worked out the next day (as promised @lulumromero),” bahagi pa ng IG post ni Kath.

Dugtong pa niya, “Pic 5: Bought some ‘healthy’ snacks from the grocery (who are we?!). Pic 6: No electricity for almost an entire day…that was so random.”

Makikita sa comments section ng Instagram post ni Kathryn na ang first person na nag-iwan ng mensahe para sa kanya ay ang kapwa Kapamilya star na si Jericho.

Komento nito sa social media post ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla, “You go girl. Proudaya (salute emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Kung matatandaan natsismis sina Kath at Echo last month nang maispatan silang nagja-jogging together. Inakala ng mga netizens na may namamagitan nang “something” sa kanila.

Ito’y nangyari nga noong kasagsagan ng isyu tungkol sa breakup nina Kathryn at Daniel at sa umano’y paghihiwalay nina Jericho at Kim Jones.

Baka Bet Mo: Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…

Nilinaw naman agad ni Kath na friendly jogging lang ang nangyari sa pagitan nila ni Jericho. Ang kaibigan niyang si John Manalo ang nag-imbita sa kanya na mag-join sa night workout nila ng kanyang uncle na si Jericho.

“Si John Manalo, is a good good friend of mine. Ano pa Goin’ Bulilit days so nagkita kami nu’n kasi magwo-work out talaga ako that day.

“Tapos na-mention niya magdya-jogging, sabi niya, ‘Gusto mo sumama?’ Then I said, ‘Okay. Why not?’

“Kesa mag-work out ako mag-isa, so nag-jogging kami. It was mga 11 late na, and then we were just having fun and working out, ayun lang,” paliwanag ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paglalarawan naman ni Kathryn kay Jericho at sa kagustuhan ng aktor na magkatrabaho sila in the future, “He’s such a nice guy. Sobrang bait niya. Ayaw mo ba makatrabaho ‘yung ganu’n. So let’s just see.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending