Mark never hinusgahan ng mga magulang sa pagiging bisexual

Mark Bautista never hinusgahan ng mga magulang sa pagiging bisexual

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Mark Bautista never hinusgahan ng mga magulang sa pagiging bisexual

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 07:50 AM

Mark Bautista never hinusgahan ng mga magulang sa pagiging bisexual

Mark Bautista

NEVER pinagsisihan ng singer-actor na si Mark Bautista ang paglalantad sa kanyang pamilya at sa publiko ng tunay niyang pagkatao.

Naniniwala ang Kapuso star na tama lang ang ginawa niyang pagpapakatotoo at pagbabandera sa buong universe na miyembro rin siya ng LGBTQIA+ community o isang bisexual.

Taong 2018, sa pamamagitan ng isinulat niyang libro na “Beyond The Mark”,  ibinahagi ni Mark ang ilang detalye at kaganapan sa pagiging bisexual at ang paliwanag sa kanyang gender identity.

Sa panayam ni Karen Davila kay Mark na napapanood sa YouTube channel ng veteran broadcast journalist, sinabi nga ng singer na wala siyang regrets sa pagka-come out.

Baka Bet Mo: Pops sa mga nakarelasyong bagets: I don’t offer money, I’m kuripot!

Pero inamin din niya na talagang natakot siya sa magiging epekto ng kanyang paglalantad sa publiko sa kanyang showbiz career.

“Nu’ng first lumabas sa news sabi ko, ‘Oh my God! Ang dami palang ganito ang reaksyon.’ Sabi ko, ‘dapat ba hindi ko na itinuloy?’

“Pero ngayon masasabi ko na it’s the best decision na nagawa ko, sobrang iba ang pakiramdam, no regrets no regrets,” pahayag ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Abot-langit din ang pasasalamat ni Mark  sa pagsuporta at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng mga kapamilya at mga tunay na kaibigan.

“Nagulat sila kasi doon lang nila nalaman nu’ng pagkadating ko and nu’ng sinabi ko na magri-release nga ako ng ganu’n (book).

“Si Mama naman, I think mothers instinct, sinabi niya nilapitqn niya ako sa bed, tumabi siya sakin sabi niya ‘it’s okay, whatever happens, I still love you, anak pa din kita,'” lahad ni Mark.

Baka Bet Mo: Gladys hindi agad hinusgahan si Awra nang maaresto at makulong: ‘Wala akong bad experience sa kanya kasi marespeto naman siya sa amin’

Never din daw siyang hinusgahan ng kanyang tatay, “That time si Papa naman walang problema talaga, doon naman ako masuwerte, sa family sa parents ko.

“Never sila nagtanong, never sila nag question, never silang nag judge madali sa kanila na tanggapin,” pagpapasalamat ni Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy pa niya, “I’m still thankful na nalagpasan ko ‘yung phase ng buhay ko na ‘yun na masasabi ko talaga na even with my friends, sobrang we can just talk about anything under the sun na magdyo-joke-joke na kami ng wala nang pretentions,” masayang chika pa ni Mark Bautista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending