Mark Bautista gusto nang magkapamilya, open magka-girlfriend

Mark Bautista gusto nang magkapamilya, open magkadyowa ng babae

Therese Arceo |February 09,2024
facebook
share this

Mark Bautista gusto nang magkapamilya, open magkadyowa ng babae

Therese Arceo - February 09, 2024 - 04:43 PM

Mark Bautista gusto nang magkapamilya, open magka-girlfriend

INAMIN ng singer-actor na si Mark Bautista na nasa punto na siya ng kanyang buhay na nais na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Sa kanyang panayam kay Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan nila kung kumusta na nga ba buhay ng singer.

Pag-amin ni Mark, sa edad niyang 40 ay never pa niyang na-experience ang magkaroon ng relasyon sa babae.

Pero sa kabila nito ay sinabi naman niyang open siya sa possibility na magka-girlfriend.

Aware naman ang lahat na inamin na noon ng singer-actor ang pagiging bisexual nang ilabas niya ang librong “Beyond the Mark” noong January 2018 na naging controversial noon dahil sa kanyang mga pasabog.

“Isinulat ko, hindi pa exact na I’m gay. Sinabi ko sa book na I was bisexual kasi open-ended yung libro,” pagbabahagi ng singer.

Baka Bet Mo: Mark Bautista hindi nagsisisi na umaming bisexual, nilayuan ng ilang kaibigan sa showbiz: ‘Feeling nila ginagawa ko lang yun for publicity’

At ngayon nga raw ay open si Mark na ma-fall sa isang babae dahil nais na niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya.

“Open pa rin ako to fall in love with a girl kasi gusto ko talagang magka-family. Gusto ko magkaanak and all that.

“I’m still open to it na kung may babae na tatanggapin ako and all that, I think I’m still open. Kung mapa-fall ako or ma-in love ako sa isang babae, wala akong problema,” pagbabahagi ni Mark.

Naglabas rin ng saloobin ang singer kung bakit nais na niyang mag-settle down.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Na-realize ko na ‘Shocks. Kung tatanda ako, sinong maiiwan dito… saan ko ibibigay yung pinaghirapan ko? Or sino ang mag-aalaga sa akin? Naisip ko rin na dapat siguro may kasama ako or may anak or something,” sey ni Mark.

Pero tanggap naman daw niya kung anuman ang ibibigay sa kanya ng Panginoon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending