Mark sumablay sa GMA station ID: Atty. Gozon let me explain!

Mark sumablay sa GMA station ID: Lagot ako! Atty. Gozon let me explain!

Ervin Santiago |April 09,2024
facebook
share this

Mark sumablay sa GMA station ID: Lagot ako! Atty. Gozon let me explain!

Ervin Santiago - April 09, 2024 - 07:59 AM

Mark sumablay sa GMA station ID: Lagot ako! Atty. Gozon let me explain!

Mark Bautista

IDINAAN na lang sa biro ni Mark Bautista nang hindi niya nahulaan ang title ng GMA 7 station ID nang sumabak sa “Karaokids” segment ng “It’s Showtime.”

Naglaro ang singer-actor sa naturang segment sa unang pag-ere ng “It’s Showtime” sa Kapuso Network nitong nagdaang Sabado, April 6.

Sa unang round, hinulaan nila ang mga songs ng Batang Cute Po kids na kinabibilangan nina Argus Aspiras, Imogen Cantong, Jaze Capili, Kulot Caponpon, Kelsey Lasam, Enicka Orbe, at Briseis Quijano.

Baka Bet Mo: Julie Anne ipinadama ang diwa ng Pasko sa ‘Love is Us this Christmas’ lyric video ng GMA; bagay na bagay na Maria Clara

In fairness, nakaabot naman ang binata kasama ang parter niyang si Tyang Amy Perez sa jackpot round ng “Karaokids”. Sa last part ng game, Ryan Bang, sina Ion Perez at Jackie Gonzaga ang nagpahula ng tono ng mga kanta.

Ang mga song na kanilang pinahulaan ay base sa maririnig nila mula sa suot na headphones na galing pa rin sa performance ng mga Batang Cute Po kids na nasa labas ng studio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista)


Ang unang kantang ipinarinig kay Mark ay ang GMA 7 station ID theme song na “Kapuso Anumang Kulay Ng Buhay” na  hindi nahulaan ng singer.

Hirit ni Mark, “Lagot ako! Lagot ako!” kasunod ng halakhakan ng mga nasa studio.

Tumama naman ang sagot ni Mark sa “Star ng Pasko,” ang Christmas Station ID ng ABS-CBN noong 2009, kung saan kasama siya sa mga Kapamilya stars na kumanta.

Baka Bet Mo: Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!

Kasunod nito, nag-post agad si Mark sa kanyang X (dating Twitter) account ng, “Atty. Gozon let me explain… (peace sign emoji).”

Nireplayan naman siya ng isang netizen, “We understood, because you are one of the artists who sang this beautiful song year 2009!”

Tugon ni Mark sa kanya, “Tama haha!”

Sey pa ng isang X user, 14 years na raw siya sa GMA pero hindi niya nahulaan ang station ID ng kanyang mother network.

“MARK HAHAHAHHAHA DISAPPOINTED AKO NA DI MO NATUNUGAN ANG GMA THEME @iammarkbautista 14 YRS KA NA RITO HA HAHAHAHAHHA #ShowtimeSanibPwersa #ShowtimeSaGMA,” panunukso ng netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit na sagot ni Mark, “Pasensya nag Lag lang (emoji).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending