Gladys hindi agad hinusgahan si Awra nang maaresto at makulong: 'Wala akong bad experience sa kanya kasi marespeto naman siya sa amin' | Bandera

Gladys hindi agad hinusgahan si Awra nang maaresto at makulong: ‘Wala akong bad experience sa kanya kasi marespeto naman siya sa amin’

Ervin Santiago |July 10,2023
facebook
share this

Gladys hindi agad hinusgahan si Awra nang maaresto at makulong: ‘Wala akong bad experience sa kanya kasi marespeto naman siya sa amin’

Ervin Santiago - July 10, 2023 - 07:39 AM

Gladys hindi agad hinusgahan si Awra nang maaresto at makulong: 'Wala akong bad experience sa kanya kasi marespeto naman siya sa amin'

Awra Briguela at Gladys Reyes

HINDI hinusgahan ni award-winning actress Gladys Reyes ang teen star na si Awra Briguela nang masangkot ito sa iskandalo kamakailan.

Nagkasama sina Gladys at Awra sa pelikulang “Here Comes The Groom” na isa sa mga official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival last April, at puring-puri niya ang talento nito sa pag-arte at pagsasayaw.

Nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media si Gladys sa kanyang post birthday celebration at pa-thanksgiving sa mga kaibigan niya sa press last July 5, natanong siya kung nag-react ba siya nang mapabalita ang pag-aresto sa kanya ng mga pulis matapos masangkot sa gulo sa isang bar sa Makati City.

“Well, good to know, nakalabas na siya, ‘no. Ang experience ko sa kanya, working with him, wala, nakakatawa kahit off cam. Respectful din siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


“Pero mahilig mam-prank. Kami ni Ate Uge (Eugene Domingo), pina-prank niya. Lalo na si Ate Uge. Pero wala, wala akong bad experience kay Awra. Kasi very ano naman yung bata, marespeto sa amin,” sabi ni Gladys.

“So, hindi ko alam kung ano man ang nangyari du’n nu’ng gabing yun. Pero I’m sure naman, si Awra, meron din siyang natutunan with that, di ba? Kumbaga, ganu’n naman tayo. May mga pinagdadaanan tayo na natututo tayo,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Pops sa mga nakarelasyong bagets: I don’t offer money, I’m kuripot!

Mensahe ng premyadong aktres kay Awra, sana raw ay marami itong natutunang life lesson sa mga nangyari, pati na rin yung mga artista at social media influencers na agad nanawagan ng “Justice For Awra” nang arestuhin ito at makulong nang hindi muna inaalam ang kabuuan at tunay na kuwento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, natanong din si Gladys kung may experience din ba siya na naglasing  o nagwala sa nga public place, “Parang wala naman. Homebody kasi ako. Unang-una, alam din ni Juday (Judy Ann Santos, isa sa mga BFF niya sa showbiz).

“Maliit lang yung circle of friends ko rin talaga kahit noon. At saka yun nga, hindi pa bar ang term noon, e… mga disco, mga ganyan. So wala, hindi kasi ako mahilig sa ganu’n. Kaya si Carmi (Martin) kilalang-kilala na niya ako.

“Tawag nga niya sa akin, parang ako yung manang, sa aming dalawa ni Carmita. Kasi alam niya, hindi ako palalabas. So, wala akong naging ganu’ng experience. Ayokong maka-experience siyempre ng ganu’n,” pagbabahagi pa ng madiskarte at masipag na wifey ni Christopher Roxas.

Bukod sa mga family business na pinagkakaabalahan niya ngayon, kasama rin si Gladys sa cast ng pelikulang “Unspoken Letters” at balik-kontrabida rin siya sa upcoming Kapuso primetime series na “Black Rider” starring Ruru Madrid and Matteo Guidicelli.

Gladys balik-kontrabida sa ‘Black Rider’ nina Ruru at Matteo; hinding-hindi makakalimutan ang ‘Eat Bulaga’ ng TVJ

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending