Awra Briguela nagsinungaling daw sa tatay, pati tuloy si Vice Ganda nadamay | Bandera

Awra Briguela nagsinungaling daw sa tatay, pati tuloy si Vice Ganda nadamay

Reggee Bonoan |July 10,2023
facebook
share this

Awra Briguela nagsinungaling daw sa tatay, pati tuloy si Vice Ganda nadamay

Reggee Bonoan - July 10, 2023 - 12:08 AM

Awra Briguela nagsinungaling daw sa tatay, pati tuloy si Vice Ganda nadamay

Vice Ganda at Awra Briguela

NAGULAT ang ama ni Awra Briguela na si Ginoong Oneal Brian na hindi pala sa condo unit ng manager nitong si Vice Ganda tumutuloy ang anak sa loob ng anim na buwan.

Nalaman lang ito ng papa ni Awra nang mag-usap sila ni Vice dahil nga sa napasukang gulo ng batang aktor.

Ipinagkatiwala ni Ginoong Oneal ang anak kay Vice bilang manager nito kaya’t nagulat nang mabalitaang nasangkot ito sa gulo at nakulong pa.

Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa YouTube channel nitong “Showbiz Update” kasama si Mama Loi with Tita Jegs na in-upload ngayong 8 p.m..

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakaabot lang sa akin na na-shock ‘yung tatay ni Awra na akala nu’ng tatay all along nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months na. Iyon ang paalam ni Awra sa tatay niya na hindi alam ni Meme.

“Kaya ang reaksyon daw ni Vice nang malamang iyon ang paalam ni Awra, ‘Ha? Sa condo ko nakatira?  Wala ah, hindi totoo ‘yun!’

“Kaya pumanatag ang loob ng tatay akala niya kay Vice (nakatira), ‘yun pala sa mga barkada nakatira itong si Awra, nag’e-enjoy sa mga barkada.

“E, ang nakakaloka Loi June 30 naganap ‘yung insidente sa Pobla (Poblacion), July 1 dapat ilo-launch, kasama si Awra sa isang show,” kuwento ni Ogie.

Baka Bet Mo: Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO

Gulat na gulat si Mama Loi, “Hala, paano? Napurnada?”

“Oo, so, ‘yun nga. So sabi sa akin ng source ko, paano (sabay gaya ng pagtapat ni Awra ng dalawang kamay niya habang pinaghuhubad ‘yung lalaki sa bar), so paano?” paulit-ulit na sabi ni Ogie.

“Sayang naman,” sambit ni Mama Loi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ni Ogie, “Ako nagagalingan ako kay Awra, pero ‘yung attitude niya na kitang-kita sa CCTV nahusgahan si Awra do’n at lesson learned ito sa kanya. Big lesson ito sa kanya.

“Siyempre hindi rin natin alam baka puwede ring mangyari sa atin ‘yun kaya para hindi dikdikin si Awra kaya lesson na rin ito sa mga hindi pa nangyayari sa kanila, sa lahat.

“Lalo na sa mga artista na pinoprotektahan ang pangalan lalo na ito, hindi alam ng tatay akala niya na kay Vice Ganda.

“So, magmi-meeting daw sila, ay (sabay takip ng bibig), oo. Magmi-meeting daw sina Vice, Awra at ‘yung tatay. Sana maayos. Sana ‘yung nangyari, e, magsilbing aral at sana iwasan ni Awra ang sobrang barkada, sobrang inom,” sabi ng aming kausap.

Susog naman ni Mama Loi na sana nga magsilbing aral ito sa lahat ng mga taong involved sa gulo nina Awra.

Awra Briguela tinulungan ni Vice Ganda na makalaya, PA ni Ion Perez ang sumundo sa kulungan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending