Vice Ganda nakaramdam ng pressure bilang LGBTQIA+ icon: 'Ikaw yung representasyon nila' | Bandera

Vice Ganda nakaramdam ng pressure bilang LGBTQIA+ icon: ‘Ikaw yung representasyon nila’

Therese Arceo |July 06,2023
facebook
share this

Vice Ganda nakaramdam ng pressure bilang LGBTQIA+ icon: ‘Ikaw yung representasyon nila’

Therese Arceo - July 06, 2023 - 10:44 PM

Vice Ganda nakaramdam ng pressure bilang LGBTQIA+ icon: 'Ikaw yung representasyon nila'
AMINADO ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na may pressure para sa kanya ang matawag na LGBTQIA+ icon.

Isa ang “It’s Showtime” host sa mga kilala at talagan sikat na miyembro ng komunidad kaya maman hindi maiwasan na matawag siyang icon na siyang nagre-represent sa LGBTQIA+ community.

Sa naging interview ni Vice sa “Updated with Nelson Canlas” ay nabanggit nga niyang pressured siyang matawag na “icon”.

“May pressure din kasi syempre may kasama siyang social responisibility pag kinonsider ka nilang icon siyempre,” pagbabahagi ng komedyante.

Dagdag pa ni Vice, “Ikaw yung representasyon nila eh sa mga platforms na meron ako.”

Amin pa niya, nakadagdag rin daw sa pressure ang kumpanya na kanyang pinagtatrabahuhan.

Baka Bet Mo: Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: ‘Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Paglilinaw naman ni Vice, “Pero I’m happy to be part of that community and I am very happy to be considered one of their icons.”

Samantala, isa rin ang komedyante sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na nakapag-asawa. Ito nga ay ang co-host nitong si Ion Perez.

Noong 2021 ay nagpakasal sina Vice at Ion sa Las Vegas.

Makalipas ang ilang taon ng kanilang pagsasama, kumusta nga ba ang lagay ng dalawa?

“Masaya naman. Masayang-masaya ako ngayon. Ibang klase ‘yung joy na meron ako ngayon. Kung dati happy ako, ngayon joyful. Mas hindi siya superficial, mas malalim siya,” pagbabahagi ni Vice.

Dagdag pa niya, “’Yung sayang binibitbit mo tapos hinahanap-hanap mo, ganu’n siya kalalim. At saka iyon ‘yong ipinagdasal ko, ‘yong nararamdaman ko ngayon atsaka ito ‘yong estado ng buhay ko na gustong-gusto ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda kinontra ang contestant sa ‘Showtime’: ‘Wag mong sasabihing OK at masarap maging mahirap kasi hindi totoo ‘yan’

Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending