Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza? | Bandera

Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

Reggee Bonoan |July 02,2023
facebook
share this

Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

Reggee Bonoan - July 02, 2023 - 09:09 AM

Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

Awra Briguela

NAKALAYA na pansamantala ang youngstar na si Awra Briguela kagabi, July 1, matapos makapagpiyansa sa halagang P6,000.

Matatandaang hinuli si Awra nitong Huwebes ng madaling araw dahil sa rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City kung saan sinabing ipinatanggol lamang nito ang mga kaibigang babae dahil hinipuan umano ng isang lalaki.

Pero base sa inireport na closed-circuit television o CCTV footage ng nasabing bar ay nakita kung ano talaga ang naganap sa pagitan ni Awra at ng lalaking nagngangalang Mark Christian Ravena na pilit na pinahuhubad ng una ang suot na pantalon ng huli bagay na pinigilan ng bouncer ng bar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At dito marahil nagalit si Awra dahil hindi siya napagbigyan ni Mark kaya sinundan niya ito hanggang sa labas ng bar at doon na nagkaroon ng suntukan hanggang sa nahuli nga ng mga pulis ang batang aktor.

Dinala si Awra sa Makati City Police station at nakita naman sa video na sinasagot-sagot nito ang mga otoridad kaya’t sinampahan siya ng mga kasong physical injuries, disobedience to authority, direct assault, alarm at scandal.

Baka Bet Mo: Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Naunang inireport ng Southern Police District na sa susunod na linggo pa makakapagpiyansa si Awra dahil nitong Biyernes pa lang siya na-inquest sa Makati City Prosecutors Office.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Laking gulat ng lahat nang makalaya na ang batang aktor kagabi kung saan sinundo siya ng kanyang ama kasama ang kanilang abogado at hiningan siya ng reaksyon ng mga TV reporter pero hindi ito nagbigay ng anumang pahayag.

Samantala, trulili kaya na may kinalaman ang tumatayong manager ni Awra na si Vice Ganda sa mabilisang paglaya nito at ang tinaguriang Lalaking Marites na si Xian Gaza na very vocal sa pagsasabing bibigyan niya ng abogado at pampiyansa ang aktor at social media influencer?

Wala pang official statement na inilalabas ang kampo ni Vice hinggil dito. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng mga taong nabaggit sa artikulong ito.

Vice Ganda, Lassy Marquez nag-kiss sa lips: Sa halagang P10,000 hahalik ako kay Lucifer?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

80 anyos na inaresto ng pulis matapos akusahang nagnakaw ng mangga, nakalaya na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending