Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: 'Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo' | Bandera

Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: ‘Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo’

Ervin Santiago |July 05,2023
facebook
share this

Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: ‘Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo’

Ervin Santiago - July 05, 2023 - 01:34 PM

Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: 'Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo'

Vice Ganda at Awra Briguela

IKINUMPARA ng veteran showbiz columnist at radio-TV host na si Cristy Fermin si Awra Briguela sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Ayon kay Nay Cristy, mahilig din daw magpunta sa mga bar ang TV host-comedian lalo na noong bata-bata pa siya pero never itong nasangkot sa anumang gulo o iskandalo.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pag-aresto at pagkakakulong ni Awra matapos masangkot sa rambulang naganap sa labas ng bar sa Makati City.

Nag-ugat ang nasabing insidente nang hindi raw pagbigyan ng isang lalaki ang hiling sa kanya ng Kapamilya teen star na hubarin ang pantalon sa harapan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakalaya na pansamantala si Awra matapos magpiyansa ng P6,000. Hanggang ngayon ay hindi pa nag-iisyu ng official statement ang youngstar hinggil sa nangyaring iskandalo.

Ayon kay Nanay Cristy, kahit kailan ay hindi na-involve si Vice sa anumang gulo kahit pa mahilig din itong magpunta at mag-party-party sa mga bar.

Marami naman ang nagsasabi na kakampihan daw ni Vice si Awra dahil siya ang manager nito.

Baka Bet Mo: Eric Quizon nagbabala sa publiko matapos gamitin ang mukha ni Dolphy sa isang brand ng alak, nagsampa na ng kaso

“Ako, gusto kong kontrahin yung, ‘Naku, kakampihan ni Vice Ganda yan. Alam mo naman si Vice, kapag malapit sa kanya, naku, kanyang-kanya yan.’ Ako, hindi,” pahayag ni Nanay Cristy.

Alam daw kasi ng TV host ang kanyang limitasyon pagdating sa pag-inom sa mga pampublikong lugar at kontrolado niya ang sarili kapag medyo tinatamaan na siya ng alak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa tinagal-tagal po ng pagiging popular ni Vice Ganda, kahit nung nandun palang siya sa mga line line, kasamahan mo, di ba?

“Hindi siya talaga gumagawa ng gulo. Tahimik lang siya. Alam niya kung paano itrato ang pag-inom at ang pag-punta sa bar,” sabi pa ng premyadong kolumnista at host.

Patuloy pa ni Nanay Cristy, “Madalas siyang lumabas noon, bar hopping talaga kung bar hopping.

“Pero meron po ba tayong nabalitaan na si Vice Ganda ay nasangkot sa kaguluhan sa mga bar? Wala po. Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo.

“Malayong malayo dito kay Awra Briguela. Itong batang ‘to, dapat itong iupo ni Vice para pangaralan, para bigyan ng leksyon,” payo pa ng TV-radio at online host.

Dasal ni Baron dininig na ni Lord, maipatatayo na ang pangakong bahay para sa pamilya; matagal nang hindi umiinom ng alak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending