Eric Quizon nagbabala sa publiko matapos gamitin ang mukha ni Dolphy sa isang brand ng alak, nagsampa na ng kaso | Bandera

Eric Quizon nagbabala sa publiko matapos gamitin ang mukha ni Dolphy sa isang brand ng alak, nagsampa na ng kaso

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 12:34 PM

Eric Quizon nagbabala sa publiko matapos gamitin ang mukha ni Dolphy sa isang brand ng alak, nagsampa na ng kaso

Eric Quizon

NAGBABALA ang aktor at direktor na si Eric Quizon sa lahat ng mga magtatangkang gumamit sa pangalan, imahe at litrato ng kanyang amang si Dolphy sa kahit anong paraan.

Ibinalita ni Eric na nagsampa na sila ng reklamo laban sa manufacturer ng liquor brand na Banayad Whisky dahil sa paggamit sa mukha ng Comedy King sa kanilang packaging.

Napilitan daw silang magdemanda dahil hindi pa rin daw tumitigil sa paggawa ng nasabing alak na may imahe ng namayapang movie icon at tinaguriang Hari ng Komedya.

Ayon kay Eric, “patented and copyrighted” ang image ni Mang Pidol pati na ang Banayad Whisky, ibig sabihin pag-aari ito ng pamilya Quizon at bawal gamitin ng kahit sino ng walang pahintulot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrico Quizon (@eric_quizon)


Sa kanyang Instagram, ipinost ni Eric ang litrato ng isang bote ng Banayad Whiskey kalakip ang official statement ng kanilang pamilya hinggil sa nasabing isyu.

“This serves as a warning to all. This bootleg seller is using my dad’s image and banayad whisky, which are patented and with copyrights.

Baka Bet Mo: Lalaking nanalo ng P20k sa ‘Laklak Challenge’ namatay, paalala ng otoridad: ‘Drink slowly and moderately’

“At first they cooperated with us but stopped communicating when the Quizons demanded them to stop selling. We have filed a case against (them). Please BEWARE! #banayadwhiskey,” ang nakasaad sa IG post ng aktor.

Ipinagdiinan pa ni Eric na ang ibinebentang alak sa merkado ay walang kinalaman kay Dolphy sa Quizon family.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrico Quizon (@eric_quizon)


“This is to inform the public that: BANAYAD WHISKY as shown in the photograph above and/or any product or merchandise having the same brand, is NOT ASSOCIATED, AFFILIATED, OR CONNECTED with RODOLFO ‘DOLPHY’ VERA QUIZON and/or the HEIRS OF DOLPHY.

“Any complaint or transaction related to BANAYAD WHISKY shall not be acknowledged by the heirs of Dolphy. Please be guided accordingly,” aniya pa.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag at paliwanag ang liquor company na tinutukoy ni Erik. Bukas ang BANDERA sa panig ng nasabing kumpanya.

Pumanaw si Dolphy noong 2012 sa edad na 83, “due to multiple organ failure, secondary to complications brought on by pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease and acute renal failure.”

Dasal ni Baron dininig na ni Lord, maipatatayo na ang pangakong bahay para sa pamilya; matagal nang hindi umiinom ng alak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Epy Quizon, Martin del Rosario ibinandera ang ‘bida-kontrabida’ sa buhay nila…sino kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending