Dasal ni Baron dininig na ni Lord, maipatatayo na ang pangakong bahay para sa pamilya; matagal nang hindi umiinom ng alak | Bandera

Dasal ni Baron dininig na ni Lord, maipatatayo na ang pangakong bahay para sa pamilya; matagal nang hindi umiinom ng alak

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 10:20 AM

Dasal ni Baron dininig na ni Lord, maipatatayo na ang pangakong bahay para sa pamilya; matagal nang hindi umiinom ng alak

Baron Geisler at Jamie Evangelista

SA KABILA ng pagpupursigi niyang magbago at tuluyang kalimutan ang mga dating bisyo, ay may mga tao pa ring patuloy na nanghuhusga at nangnenega kay Baron Geisler.

Duda kasi ang mga tao kung hanggang kailan niya mapapanindigan ang pagtalikod sa paglaklak ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sey ni Baron, alam niya na until now ay nakakapit pa rin sa pangalan at pagkatao niya ang stigma ng kanyang nakaraan.

“We’re fighting the stigma, eh. Bilang recovering alcoholic and addict, di ba? Hinding-hindi na po mawawala yung stigma. Never na siguro mawawala ‘yan.

“Siguro, up until na mga four years na makita nila na tuluy-tuloy na ako sa TV o dapat wala na silang naririnig na bad news o negative,” ani Baron sa media launch ng kauna-unahan niyang product endorsement na Lemonyo.

Pahayag pa ni Baron, isa pa sa mga rason kung bakit agad niyang tinanggap ang nasabing endorsement ay dahil sa pangako sa kanya ng CEO ng nasabing produkto na si Pastor Rolando Garcia, Jr..

“That’s what we are trying to do, to fight the stigma. That’s our goal here. To fight the stigma and give people the benefit of the doubt and second chance in life, not necessarily to prove.

“Because it’s ugly if you do what people want you to do or be seen and you try to please them. When you please that’s already affecting your mental health and we’re not here to do that because we’re just here to serve,” paliwanag ni Baron.

Sabi naman ni Pastor Rolando, “The message of Lemonyo is huwag tayong manghusga. Lagi tayong magbigay ng chance sa tao to prove themselves kasi lahat ng tao ay naniniwalang may kabutihang itinatago sa loob.”

In fairness naman kay Baron, mukhang ginagawa naman niya ang lahat para mapabuti ang kundisyon niya kabilang na ang pag-maintain sa kanyang healthy lifestyle.

Diretsahan din siyang natanong sa presscon kung talagang tumigil na siya sa pag-inom ng alak, “Medyo matagal-tagal na. But I don’t know kung titikim ulit ako.

“But our goal down here is not about kung kailan huling uminom ng alak o ano. If you just base on what I’m doing right now, it’s much better na…

“If you guys, could see the changes in the things I do. I believe na sini-CI (character investigation) muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha. Ha-hahaha!

“I want also to add, itong pagkakataon na ibinigay sa akin ng Lemonyo this January nitong taong ito is such a blessing.

“I have been wanting to build a home for my family in Cebu. Ito ay ilalaan ko talaga para makapagpatayo ng maliit lang na bahay ng aking pamilya.

“Ilalagay ko po ang fund o anumang kikitain ko rito, specifically po sa itatayo namin ni Jamie (Evangelista, his wife) para sa aming pamilya. Dream come true po ito. Answered prayer ni God,” aniya pa.

Nag-share rin siya ng ilan sa kanyang ginagawa to stay healthy at fit, “Hindi po ako gaano nagka-carbs. I work out almost every day.

“I really take care of my body not only for myself but to sustain and maintain my sobriety and the blessings that come our way,” aniya pa.

Lalaking nanalo ng P20k sa ‘Laklak Challenge’ namatay, paalala ng otoridad: ‘Drink slowly and moderately’

Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending