Matteo nag-aaral uli, pumapasok sa Harvard Business School

Matteo Guidicelli nag-aaral uli, pumapasok sa Harvard Business School

Pauline del Rosario - November 03, 2024 - 01:55 PM

Matteo Guidicelli nag-aaral uli, pumapasok sa Harvard Business School

PHOTO: Instagram/@matteog

NAKAKABILIB at nakaka-inspire ang bagong pinagkakaabalahan ngayon ng aktor na si Matteo Guidicelli.

Muli kasi siyang bumalik sa pag-aaral at ang pinapasukan niyang paaralan ay ang Harvard Business School sa Boston, Massachusetts sa United States.

Sa Instagram, bubungad ang litrato ni Matteo na naka-pose sa harapan ng world-renowned university.

Bukod sa kanyang mga kaklase at propesor, ibinandera niya rin ang picture ng kanyang classroom desk na makikita ang isang placard na may pangalan niya at mukhang nirerepresenta pa ang pagmamay-aring studio na inilunsad nila ng misis na si Sarah Geronimo –ang G Productions Incorporated.

“Here at Harvard Business School, diving deep into learning with some of the best professors—truly inspiring stuff!” pagmamalaki niya sa caption.

Baka Bet Mo: Guro mula Cavite gumawa ng kasaysayan sa Harvard University, first-ever instructor sa bagong ‘Tagalog course’

Chika pa ng aktor, “Spent hours behind the desk with my books and pen, connecting with classmates from all over the world and across so many industries. Built amazing relationships and took away experiences I’ll always remember.”

“Definitely one for the books!” aniya pa sa IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Sa comment section, maraming kapwa-artista ang natuwa sa bagong milestone ni Matteo, kabilang na riyan sina Anne Curtis, Tim Yap, Ruby Ruiz, Iza Calzado, Liz Uy, Gretchen Ho, Karen Davila, Kyle Echarri, at marami pang iba.

“Love this man!!! You look very happy. So happy for you man,” sey ni Kyle.

Komento ni Karen, “Good for you Matt! [clapping hands emojis] Precious experience and learnings!”

Ani naman ni Anne, “Nice one Matt!!!! [red heart emoji]”

Kung matatandaan, last year lamang nang makapagtapos ng pag-aaral si Matteo mula sa kursong Marketing Management sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa business ventures, ang aktor ay isa sa host ng morning show ng GMA na “Unang Hirit.”

Ang huli niyang television project ay ang action series na “Black Rider” kasama ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending