Nikko Natividad bumanat sa basher, wala raw 'kwenta' kaya ligwak sa Showtime? | Bandera

Nikko Natividad bumanat sa basher, wala raw ‘kwenta’ kaya ligwak sa Showtime?

Therese Arceo |January 18,2023
facebook
share this

Nikko Natividad bumanat sa basher, wala raw ‘kwenta’ kaya ligwak sa Showtime?

Therese Arceo - January 18, 2023 - 08:36 PM

Nikko Natividad bumanat sa basher, wala raw 'kwenta' kaya ligwak sa Showtime?

TALAGANG pinatulan ng aktor at dating member ng Hashtags na si Nikko Natividad ang isang netizen na nag-comment sa isa sa kanyang post.

Bagamat hindi malinaw kung sa anong post nag-comment ang naturang netizen ay damang-dama naman ang gigil nito dahil ibinahagi pa ng aktor ang screenshot ng naturang comment ng netizen.

“KAYA KAYO TINANGGAL SA SHOWTIME WALA TLGA KAYO KWENTA E,” komento ng netizen kay Nikko.

Halatang hindi nagustuhan ng dating member ng Hashtags ang sinabi ng netizen kaya naging maanghang rin ang sagot nito pabalik.

“Saka mo na kame i bash pag hindi na mabaho p*p* mo,” gigil na sabi mo Nikko.

Umani na nga halos 58k haha reactions ang kanyang post at halos 2k naman ang mga comments.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)

Hirit pa ni Nikko, “Tas bigla mag-memesage saken na hindi nya account yun. Sos luma na yun.”

“Iba din banat e,yari ka sumbong yan sa mama nya iyak yun acclaccaaaa,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Proud ako Kay kuya Nikko kahit may topak salute braderrr.”

“Minus 10 ka sa langit lods Pero yati naol naamoy,” hirit naman ng isa.

Matatandaang nakilala noon si Nikko matapos itong manalo sa “It’s Showtime” segment na “Gandang Lalaki” noong 2014.

Taong 2016 naman nang sumali ito sa “Pinoy Big Brother” kung saan naging 2-in-1 housemate sila ni McCoy de Leon.

Nitong Setyembre 2022 ay may mga buling-bulungan na lilipat raw ng istasyon si Nikko patungong GMA-7 ngunit magpasa hanggang ngayon ay wala pa namang lumalabas na balitang tuluyan na nga itong nakalipat.

Related Chika:
Nikko Natividad ‘tinanggihan’ si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…

Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

Nikko Natividad pinalagan ang basher na nang-english sa kanya: Magbe-bless kayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending