Nikko excited na sa Baby no. 2: ‘Biggest blessing for 2024!’

Nikko excited na sa Baby no. 2: ‘Biggest blessing for 2024!’

Pauline del Rosario - July 11, 2024 - 12:43 PM

Nikko excited na sa Baby no. 2: ‘Biggest blessing for 2024!’

PHOTO: Instagram/@_cielovesyou

MAGIGING father of two na ang aktor na si Nikko Natividad!

Ang good news ay ibinandera mismo sa social media ng kanyang misis na negosyante na si Cielo Eusebio.

Sa Instagram, proud na ipinakita ng misis ni Nikko ang “positive” pregnancy test result, may kuha rin na nagpa-ultrasound na sila, pati na rin ang picture na pine-plex ang baby bump niya.

Ayon kay Cielo, ito ang biggest blessing na nakatanggap nilang mag-asawa ngayong taon.

“Even miracles take a little time. #babyontheway [folded hands, heart emojis],” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Nikko pinagsisihan na nasaktan noon ang fiancé: Kung wala siya, wala ako sa kalagayan ko ngayon

Naikuwento rin niya na apat na taon din daw silang sumubok na bumuo ng isa pang anak at ngayon ay excited na silang makita ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“After 4 years of trying, we are feeling grateful and blessed for this miracle,” wika ni Cielo.

Aniya pa, “We can’t wait to meet you, little one! [smiling face with heart eyes emojis]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cielo Mae Eusebio (@_cielovesyou)

Sa comment section, maraming netizens at fans ang tuwang-tuwa para sa mag-asawa at sabik na rin para sa bagong baby ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“WAAAA CONGRATULATIONS! We’re so happy for you guys! [heart emoji]”

“Parang iisa yun writing ni Nikko and Aiden [happy face emoji] Anyway, Congrats Mommy Cielo and Nikko [happy face, red heart emojis]”

“I’m very happy for you mga Mars [red heart emojis]”

“Can’t wait sa new family!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan noong November 2021 nang ikinasal sina Nikko at Cielo makalipas ang tatlong buwang engaged.

Ang panganay nilang anak ay si Aiden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending