Nikko Natividad hindi ligwak sa 'Batang Quiapo'

Nikko Natividad hindi ligwak sa ‘Batang Quiapo’, panawagan ng fans ni Vice bigo

Reggee Bonoan - June 21, 2024 - 09:56 AM

Nikko Natividad hindi ligwak sa 'Batang Quiapo', panawagan ng fans ni Vice bigo

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA na nanawagan ang supporters ni Vice Ganda kay Coco Martin na tsugihin si Nikko Natividad sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

Hindi nagtagumpay ang bashers ni Hashtag Nikko dahil hindi tatanggalin ang aktor sa karakter na Emong na pinsan ni Ivana Alawi bilang si Bubbles.

Matatandaang nagalit to the max ang supporters ni Vice nang maghayag ng saloobin niya si Nikko tungkol sa searchee at searcher na nag-guest sa segment ng “It’s Showtime” na EX-pecially For You na bebeso ang guy sa girl.

Inakalang nabastos ang girl kaya nag-react si Meme Vice at mga kasama nitong hosts kaya napahiya raw ang guy.

Naglabas ng saloobin niya si Nikko sa kanyang social media account na alam niya ang pakiramdam ng napahiya dahil na-experience na niya ito noong aktibo pa ang Hashtag dancers sa “It’s Showtime”.

Hindi nagustuhan ng supporters niya Meme Vice ang post ng dating Hashtag member kaya binash nila ito ng todo at hindi marunong lumingon gayung galing siya sa nasabing programang pangtanghali ng Kapamilya channel.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad: Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya nanawagan sila kay Coco bilang direktor at producer ng “FPJ’s Batang Quiapo” na tsugihin na si Nikko lalo’t magkaibigang matalik sina Vice at Tanggol (karakter ni Coco).

Sa report ni Nanay Cristy Fermin sa radio program na “Cristy Ferminute” kahapon ng tanghali sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM.

“Mula sa FPJ’s Barang Quiapo ang aking nakausap na source na hindi nanununog at nangunguryente at nalaman ko at dapat kong itawid sa inyo na hinding-hindi raw po makikinig si Coco Martin sa kung anu-anong isyung kumakalat ngayon.

“Si Nikko Natividad po ay patuloy pa rin nating mapapanood sa Batang Quiapo at ang kanyang role ay matatapos lamang kapag wala na talaga siyang mga eksena,” kuwento ng CFM host.

Sabi naman ng co-host ni ‘nay Cristy na si Romel Chika ay napakagandang balita ito dahil ang daming ispekulasyon ng lumabas ang pangalan niya (at) dahil kaibigan daw ni Vice Ganda si Coco Martin kaya tatanggalin at hindi nagtagumpay ang bashers.

“Labas po ang isyu ni Vice Ganda at ni Nikko Natividad. Ako’y nalulungkot kapag ako’y nakaririnig ng mga tao na gustong mawalan ng trabaho ang ating kapwa.

“Hangga’t maari po ay tayo ang makapagibgay at makapag-alis ng trabaho, Isipin n’yo po si Nikko Natividad ay nakatutulong sa kanyang pamilya may mga umaasa rin po sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto po ba nating makakita ng isang tao na dating (may) pinagkakakitaan biglang mawawalan ng trabaho ngayon at magiging burden of the state pa siya?”pahayag ni ‘nay Cristy.

Burden of the State kapag nakakagawa ng kasalanan ang mga taong walang trabaho na kapag nahuli ay ibabalik sa gobyerno na kasalanan nito dahil nga wala siyang trababo.

Kaya sa mga supporters ni Emong o Nikko ay tuloy ang ligaya ninyo dahil hindi mawawala ang aktor sa FPJ’s Batang Quiapo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending