Nikko Natividad: Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao

Nikko Natividad: Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao

Therese Arceo - June 08, 2024 - 08:13 PM

Nikko Natividad: Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao

Nikko Natividad at Vice Ganda

MATAPOS ang katakot-takot na bashing ay muling naglabas ng pahayag ang dating Hashtag member at aktor na si Nikko Natividad ukol sa kanyang deleted post na may kaugnayan sa isyu nina Vice Ganda at mga guests nito sa segment na “EXpecially For You”.

Paglilinaw ng aktor, naglabas siya ng kanyang opinyon noon ukol sa isyu ng paninita ni Vice sa isa sa mga lalaking searchee matapos itong magtangka umanong bumeso sa babaeng searcher dahil nais niyag mabago o maayos ang sitwasyon ay hindi lang basta makisawsaw lang.

Ngayong araw ay naglabas ng official statement si Nikko kaugnay sa isyu.

Aniya, hindi siya nagsisisi sa kanyang paglalabas ng saloobin tungkol sa isyu at ipagtanggol ang ibang tao.

Baka Bet Mo: Nikko gustong ipatanggal sa ‘Batang Quiapo’, may alitan ba sila ni Vice?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin,” panimula ni Nikko.

“Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari),” pagpapatuloy pa ni Nikko.

Chika pa niya, hindi naman daw niya intensyon na manguha ng simpatya o makisawsaw dahil ang gusto niya ay makatulong.

“Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon,”depensa ni Nikko.

Sabi pa niya, ang tunay na kaibigan at kapamilya, tatapikin mo kapag alam mong sumusobra na at nagkakamali na.

Inamin rin ni Nikko na na ang kanyang pagbu ura ng post ay desisyon ng kanilang management.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban,” sey pa ng aktor.

Samantala, wala pa namang tugon o pahayag ang partido ni Vice Ganda sa pahayag ni Nikko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending