Nikko Natividad gustong ipatanggal sa 'Batang Quiapo'

Nikko gustong ipatanggal sa ‘Batang Quiapo’, may alitan ba sila ni Vice?

Reggee Bonoan - June 08, 2024 - 09:42 AM

Nikko gustong ipatanggal sa 'Batang Quiapo', may alitan ba sila ni Vice?

PHOTO: Instagram/@nikkonatividad

NAG-TRENDING si Hashtag member Nikko Natividad nitong Huwebes (June 6) hanggang ‘nung Biyernes (June 7) dahil sa komento nitong patungkol kay Vice Ganda bagay na hindi nagustuhan ng supporters ng “It’s Showtime” host.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Nikko ay halata namang si Meme Vice ang tukoy dahil sumakto ang Facebook post ng aktor sa kontrobersyal na nangyari kina Axel at Cristine na contestants ng “EXpecially for You” segment kamakailan.

Nagbigay kasi ng opinyon si Nikko sa ginawa ni Vice Ganda kay Axel na inakalang ibe-beso niya si Cristine ay sinita niya ang binata.

Sey ni Nikko, “Ipagpalagay na natin na bebeso talaga yung lalaki. Hindi naman niya intensyon manyakin sa live ‘yung babae.

“Ang mali lang niya ay hindi niya alam na need pala muna magpaalam bago bumeso. Na-offend man siya alam ko na mapapatawad niya ‘yung lalaki. Sobra lang kasi napahiya ‘yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.”

Baka Bet Mo: Nikko Natividad ‘tinanggihan’ si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako

“(Again sakin lang po ito ha ) ALAM KO KASI PAKIRAMDAM NG PINAPAHIYA SA TV AT NAPO-POWERTRIP BASE SA EXPERIENCE KO,” wika pa niya.

Wika pa niya, “Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma-experience at ng exposure pero sobrang trauma ‘yung nakuha nila. Lalagyan lang niya ng charot sa dulo lulusot na ‘yan.”

At dahil dito, dinumog ng maraming bashers si Nikko at nabanggit na tila nakalimot na ito na kung hindi dahil sa “It’s Showtime” ay hindi siya makikilala ng husto.

May hindi pagkakaunawaan ba sina Vice at Nikko?

Kaya naman pati ang karakter ni Nikko sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang si Emong na pinsan ni Bubbles played by Ivana Alawi ay nadamay dahil pinapatanggal ang aktor sa programa.

Kasabay nang pag-trending ni Nikko ay trending din ang X-user sa post nitong, “Petition for Nikko Natividad to be REMOVED from Batang Quiapo show of Vice Ganda’s Bestfriend COCO MARTIN trewwww?”

Magkaibigang matalik sina Coco at Vice kaya ito ang naisip ng bashers ni Nikko bilang suporta ng una sa kaibigan.

Sa ganang amin ay mukhang hindi naman ito papatulan ni Coco dahil wala namang kinalaman ang komento ni Nikko sa BQ maliban na lang kung may sinabing hindi maganda ang huli tungkol sa programa kung saan siya kabilang.

Bukod dito, tiyak na mae-eject si Nikko kapag late siya lagi sa set at hindi marunong makisama sa co-actors dahil ito ang ayaw ni Coco bilang direktor at producer.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad aminadong mas ‘bastos’ kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula

In fairness, magaling umarte si Nikko bilang si Emong at isa kami sa naiirita sa kanya dahil inuudyukan niya si Ivana na patulan si Elijah Canlas bilang si Pablo Caballero dahil mayaman at mai-aangat sila sa kahirapan.

Effective si Nikko sa role niya at ito ang gusto ni Direk Coco na kapag maraming nagagalit sa artista niya dahil ibig sabihin ay maraming nanonood sa kanila.

Anyway, nawala na ang post ni Nikko patungkol kay Vice pero marami naman ang naka-screenshot nito kaya may nabasa kaming tanong na, “bakit mo tinanggal ang post mo? Hindi mo mapanindigan?”

Baka naman naisip ni Nikko na mali o wala sa hulog ang komento niya? Lalo’t ang involved ay ang taong nakatulong sa kanya noong sumasayaw-sayaw pa ang Hashtag sa “It’s Showtime.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Nikko kung bakit niya tinanggal at kay Vice naman kung ano ang komento niya sa pahayag ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending