Nikko dumami ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalaki'

Nikko Natividad dumami ang kamag-anak nang manalo sa ‘Gandang Lalaki’

Therese Arceo |February 24,2024
facebook
share this

Nikko Natividad dumami ang kamag-anak nang manalo sa ‘Gandang Lalaki’

Therese Arceo - February 24, 2024 - 08:35 PM

Nikko Natividad dumami ang kamag-anak nang manalo sa 'Gandang Lalaki'

NALOKA ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad nag biglang dumami ang kanyang mga kamag-anak matapos manalo sa “Gandang Lalaki”.

Ang “Gandang Lalaki” ay isang segment sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” noong 2014.

At sa kanyang guesting sa vlog ng ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila na mapapanuod sa YouTube channel ng huli, inilahad ni Nikko ang mga pinagdaanang raket noong bata bago siya sumikat.

Pagbabahagi ng actor-comedian, nasubukan niyang maging assistant sa mga make up artists, magraket sa mga parlor, waiter, at mag-carwash noong bata para makadiskarte ng pera.

Hanggang sa nahikayat nga si Nikko ng dating girlfriend na ngayo’y asawa na niya na si Cielo na subukang sumali sa contest sa “It’s Showtime” kung saan siya ang itinanghal na grand champion.

Aniya, iyon daw ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng malaking pera dahil sa unang mga raket niya ay maliit lang ang kanyang kinikita.

Baka Bet Mo: Enrique ibinuking ni Nikko Natividad: Umaasim din kapag pinagpapawisan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“First time ko makahawak ng gano’ng halaga. Pero sa totoo pala, dumudulas lang siya,” saad ni Nikko.

Chika pa niya, noong makilala at manalo raw siya sa “Gandang Lalaki” ay biglang dumami raw ang kanyant kamag-anak.

“Lalo na dumami ‘yong kamag-anak ko no’n. May pinsan pala ‘kong hindi ko ka-apelyido. Nagulat ako,” natatawang sambit ni Nikko.

Nasa P300,000 ang kanyang grand prize kaya excited siyang makuha ito pero nang magpunta siya sa bangko ay P240,000 lang ang natanggap niya.

‘Yun pala ay ang kaltas sa kanyang napanalunan ay dahil sa VAT o Value Added Tax na hindi aware noon si Nikko.

Tanong naman ni Karen, “Anong ginawa mo sa P240,000? Anong binili mo?” usisa pa ni Karen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mga damit syempre. Kasi syempre ‘yon ang una mong needs kasi wala naman akong magagandang damit,” sagot ni Nikko.

Pagpapatuloy pa niya, “May pamilya rin akong nanghiram, mga humingi. Naging sakitin sila. De, joke lang. Syempre normal na tulong din.”

Pero hindi naman nakalimutan ni Nikko na magtabi para panggastos sa panganganak noon ni Cielo sa kanilang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending