Nikko pak na pak magpatawa at magpaiyak sa Para Kang Papa Mo

Nikko Natividad pak na pak magpatawa at magpaiyak sa ‘Para Kang Papa Mo’

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 07:32 AM

Nikko Natividad pak na pak magpatawa at magpaiyak sa 'Para Kang Papa Mo'

Nikko Natividad at Mark Anthony Fernandez

NAKAKALOKA pala talaga ang bagong pelikula ni Direk Darryl Yap na “Para Kang Papa Mo” mula sa Viva Films!

Napanood na namin ang movie sa ginanap na special screening nito recently at in fairness, totoo nga ang tsismis — maganda at may sense ang 15th film ni Direk Darryl.

Bida sa pelikula ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad, kasama ang original Gwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa.

In fairness, perfect ang cast ni Direk Darryl para sa kanilang mga karakter, lalo na si Nikko na bukod sa pak na pak ang timing sa pagpapatawa ay bet na bet din namin sa pagko-comedy.

Sa simula ay patatawanin ka nang patatawanin ng pelikula lalo na kapag humirit na si Nikko sa kanyang mga punchlines at mga hugot patungkol sa LGBTQIA+ community.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)


Pero sa bandang gitna at ending ng movie ay paiiyakin ka na kapag na-reveal na ang twists and turns sa kuwento ng buhay ng proud beki na si Harry na ginagampanan nga ni Nikko.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs very proud na ipinakilala ang asawa ng anak; Small Laude pak na pak ang akting sa ‘The Flower Sisters’

Bigla na lang talagang tumulo ang luha namin habang ipinalalabas ang video message ni Harry para sa kanyang amang si Anton (Mark) na handang gawin ang lahat para sa kanyang bading na anak.

Super clap talaga kami at ang iba pang members ng press sa eksenang yun na kahit hindi naman talaga dramang-drama ay magka-cry ka na lang bilang manonood.

Pero gusto rin naming palakpakan at i-congratulate ang isa pang member ng cast na gumanap na tiyahin (o lola) ni Nikko sa pelikula — ang veteran actress na si Ruby Ruiz.

Nakakaloka rin ang mga pasabog at paandar niya sa “Para Kang Papa Mo”, lalo na ang eksena niya sa loob ng jeep kung saan tuliro at tulala siya habang bumibiyahe dahil sa nangyari kay Nikko.

Siguradong iiyak din kayo sa katatawa sa scene na yun! Bukod dito, winner din ang mga drama moments nila ni Nikko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)


Isang light-hearted, fun comedy-drama ang “Para Kang Papa Mo” na tatalakay sa matibay na samahan at relasyon ng isang tatay at anak, at kung ano ang mga kaya nating isakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

Ang mga 90s matinee idols at heartthrobs na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jao Mapa ay gaganap bilang sina Anton, Ric, and Jose, trio ng magkakaibigan na may matibay na samahan at nagiging takbuhan ang isa’t isa lalo na sa oras ng pangangailangan.

Bawat isa sa kanila ay may anak, at tulad nila ay naging magkakaibigan din ang mga ito — sina Harry, Kobe, at Eminem, gagampanan naman ito ng ilan sa mga hunk actors ngayong henerasyon, ang Hashtag members na sina Nikko Natividad, Kid Yambao, at Zeus Collins.

Matapos makalaya mula sa matagal na pagkakakulong, plano ni Anton na ayusin at baguhin ang buhay niya, babawi rin siya sa mga oras na hindi niya nakasama si Harry, ang napakatalino at proudly gay son ni Anton.

Buong puso na tinatanggap at sinusuportahan ni Anton si Harry sa mga gusto at desisyon nito sa buhay. Bilang mapagmahal na ama, gusto rin ni Anton na may magandang kinabukasan si Harry, kaya naman gagawin niya ang lahat para makapagbigay at mapaaral ang anak.

Matapos ang sakripisyo ni Anton para sa anak ay may darating namang masamang balita na gugunaw sa kanilang mundo. Masolusyunan din kaya ito ni Anton?

Kayanin pa kaya ng puso at isip niya ang mga problema? O kailangan ba ulit niyang isakripisyo ang sarili niya?

Produced by Viva Films, mapapanood rin sa pelikula sina Ruby Ruiz, Juliana Pariscova Segovia, Billy Jake, Zeus Collins, Kid Yambao, Lowell Pip, at Gerard Acao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Para Kang Papa Mo” sa mga sinehan nationwide simula sa December 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending