Janno Gibbs very proud na ipinakilala ang asawa ng anak; Small Laude pak na pak ang akting sa 'The Flower Sisters' | Bandera

Janno Gibbs very proud na ipinakilala ang asawa ng anak; Small Laude pak na pak ang akting sa ‘The Flower Sisters’

Ervin Santiago |November 28,2022
facebook
share this

Janno Gibbs very proud na ipinakilala ang asawa ng anak; Small Laude pak na pak ang akting sa ‘The Flower Sisters’

Ervin Santiago - November 28, 2022 - 07:29 AM

Janno Gibbs very proud na ipinakilala ang asawa ng anak; Small Laude pak na pak ang akting sa 'Flower Sisters'

Janno Gibbs at Small Laude

IBINANDERA ng veteran singer-comedian at singer na si Janno Gibbs ang naganap na intimate wedding ng kanyang anak na si Alyssa “Chi” Gibbs.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng OPM icon ang litrato nila ni Anton Cruz, ang napangasawa nga ng panganay nila ni Bing Loyzaga.

Aniya sa caption, “It’s Official. I have a Son in law!” Wala naman kaming nakitang litrato sa IG page ni Janno na magkasama sila ni Alyssa sa wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


May ibinahagi naman siyang video clip na kuha sa reception ng kasal at makikita nga rito na kaunti lamang ang inimbita nina Alyssa at Anton sa kanilang very special day.

Base sa mga sagot ni Janno sa comments section ng kanyang IG post, naganap ang wedding ng anak sa The Palm House, Royal Botanical Gardens sa Sydney, Australia.

Matatandaang napurnada ang pagpapakasal nina Alyssa at Anton dahil sa COVID-19 pandemic noong 2020. Nai-announce pa nila noon na magiging ninong at ninang nila sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Samantala, siguradong looking forward na rin ngayon sina Janno at Bing sa kanilang magiging apo kina Alyssa at Anton.

* * *

Napanood na last week sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” ang sikat na vlogger at entrepreneur na si Small Laude bilang famous friend ni Violet na ginagampanan ni Beauty Gonzalez.

Inabangan ng Kapuso viewers ang special appearance ni Small Laude at marami ang na-excite at natuwa sa kanyang role.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Small Laude (@smalllaude)


Comment ng isang follower ni Small, “Yes! yes! yes! Of course! No bashing, It’s for fun!” na palaging sinasabi ng social media personality sa kanyang vlogs.

“Love your acting Ms. Small Laude, very natural!” dagdag ng isa pang fan.

Ano kaya ang magiging papel niya sa Crestmont? Kakaibiganin kaya siya ni Lily (Aiko Melendez)?

“Tutukan ‘yan sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters”, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude

Pooh, Anton Diva 20 years nang mag-BFF; gamit na gamit sina Ogie at Regine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending