Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude Bandera

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

Therese Arceo |August 03,2022
share this

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

Therese Arceo August 03, 2022 - 10:13 PM

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude
SUPER proud na proud ang award-winning broadcast journalist na si Kara David sa pagtatapos ng kanyang anak na si Julia Kristiana David.

Kabilang ang kanyang anak sa mga nag-martsa sa face-to-face graduation ceremony ng University of the Philippines Diliman.

Muli ngang ibinandera ni Kara ang anak na nagtapos bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development.

Sa kanyang Instagram account ay todo flex ulit ang broadcast journalist sa achievement ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)

“And she graduated magna cum laude! Wow! Masaya na kami na makapagtapos lamang, pero dagdag karangalan pa ito. Napakahusay mo talaga anak. So proud of you! All your hardwork paid off,” caption ni Kara sa kanyang post.

Ibinandera rin nito ang graduation picture ng anak na nakasuot ng kanyang sablay.

Bumaha naman ng pagbati para kay Julia at paghanga para kay Kara ang comment section ng kanyang post.

Saad ng isang netizen, “Congratulations to the both of you.”

“Mana sa mga nuno at nanay. Congrats Ms. Kara at sa iyong anak,” comment ng isang netizen.

Matatandaang naisulat na rin namin kamakailan kung gaano ka-proud ang kilalang mamamahayag sa pagtatapos ni Julia.

“Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak. Masipag, matalino, mapagkumbaba at mapagmalasakit sa kapwa. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay,” pagbabahagi ni Kara.

Related Chika:
Lovi, Benjamin feeling winner dahil kay Kara; Carla may bonggang pasabog

Kara David proud na proud sa anak na ga-graduate ng kolehiyo

Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending