Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya Bandera

Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya

Therese Arceo |July 07,2022
share this

Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya

Therese Arceo - July 07, 2022 - 08:48 PM

Tourism graduate mula Baguio idinaan sa money cake ang balitang magna cum laude siya
IPINAMALAS ng Tourism graduate na si Marie Louise Corpuz ang kanyang pagiging creative nang sabihin niya ang magandang balita sa kanyang mga magulang.

Paano kasi ay pinabongga ng dalaga ang kanyang announcement na ga-graduate siya with flying colors sa kanyang pamilya.

Magtatapos si Marie Louise sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Saint Louis University at magkakamit ng parangal bilang magna cum laude.

Gumawa ng money cake ang dalaga at doon inilagay na isa siya sa mga magna cum laude sa kanilang batch at nagpanggap na ito ay belated Father’s Day gift sa kanyang ama.

@maryyyang19 para sa inyo mama and papa🥹🎓🫶🏻 #magnacumlaude #moneycake #SLU #graduatedwithhonours #surprise ♬ Tanging Dahilan – Belle Mariano

Sa katunayan, ibinahagi ni Marie Louise ang video nang iabot niya ang mahiwagang money cake sa ama.

Nang hatakin ng kanyang ama ang pera sa cake ay makikita ang tigbe-bente perang papel kasama ang kanyang sulat para sa mga magulang.

At sa dulo ng kanyang mensahe ay ang big reveal sa kanyang tatanggaping latin award sa araw ng kanyang graduation.

Napasigaw naman sa tuwa ang ina ni Marie Louise habang bakas ang labis na tuwa sa kanyang ama na natatawa at tumayo para yakapin ang anak.

Maririnig sa video ang pagsasabi ng “thank you” ng mga magulang ng dalaga sa kanya sa napakangandang regalo niya.

Ibinahagi ni Marie Louise ang kanyang college journey sa Facebook post niya noong June 24.

“Sleepless nights and tears of frustration to unending school works NO MORE!” pagbabahagi niya.

“Education is indeed the greatest treasure our parents could ever give. “That’s why in return, I give you my medal mama and papa, may Magna Cum Laude na kayo,” dagdag pa ni Marie Louise.

Other Stories:
Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude

Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to!

Karla Estrada magiging opisyal nga ba sa Department of Tourism?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending