Karla Estrada magiging opisyal nga ba sa Department of Tourism? | Bandera

Karla Estrada magiging opisyal nga ba sa Department of Tourism?

Therese Arceo |June 30,2022
facebook
share this

Karla Estrada magiging opisyal nga ba sa Department of Tourism?

Therese Arceo - June 30, 2022 - 02:58 PM

Karla Estrada magiging opisyal nga ba sa Department of Tourism?

TOTOO nga ba ang chika na magkakaroon ng pwesto ang TV host-actress na si Karla Estrada sa Department of Tourism?

Isa kasi ang ina ni Daniel Padilla sa mga naging topic nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa in-upload nitong “Showbiz Update” vlog.

Una nilang napag-usapan ang muling pagbabalik niyo sa “Magandang Buhay” para sa kanyang farewell episode.

Ayon kay Karla, tututukan raw nito ang mga programa ng Tingog party-list.

Ngunit ang pinagtataka ng mga netizen, hindi naman ito nakasungkit ng puwesto sa nasabing party-list dahil third nominee lamang ito at dalawang seat lang ang nakuha ng Tingog.

Pero chika ni Ogie, may tsansa raw na mabigyan ng puwesto sa gobyerno si Karla base sa naging pag-uusap nila sa birthday party ng isa sa mga ABS-CBN executives na si Cory Vidanes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

“Kundi Usec, Asec… Kasi ‘di ba sa Tourism yung pumwesto ro’n ay parang spokesperson ni VP Inday Sara… tingnan natin kung matutupad ang pangarap ni Karla na makapagsilbi bilang Usec or Asec ng Tourism, o bilang director ng Tourism, parang si Cesar Montano,” pagkukwento ni Ogie.

Nagtataka naman si Mama Loi kung bakit kinakailangang mamaalam si Karla sa kanyang morning talk show ngunit sinabi ni Ogie na maaaring may epekto ang bagong bihis ng “Magandang Buhay”.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag o kumpirmasyon si Karla hinggil sa rebelasyon ni Ogie Diaz.

Samantala, abala ang ang aktres sa kanyang pagwo-workout at sa mga susunod na progekto lalo na’t magiging parte siya ng incoming Viva film na “Maid in Malacanang” sa direksyon ni Darryl Yap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama niya rito sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, at Ella Cruz.

Related Chika:
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending