Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude | Bandera

Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude

Therese Arceo |April 12,2022
facebook
share this

Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude

Therese Arceo - April 12, 2022 - 09:04 PM

Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude

NAMOMROBLEMA ang TV host-actress na si Alex Gonzaga nang dalawin niya ang kapwa vlogger na si Small Laude.

Nakatakda kasing magkaroon ng collab video ang dalawa para sa kanilang YouTube channel kung saan uusisain ng kapatid ni Toni ang closet ng socialite-vlogger.

Umpisa pa lang ay nag-aalala na si Small kay Alex dahil mukhang kagagaling lang sa nito sa iyak nang pumasok ito sa kanyang pamamahay.

Sinabi naman ng TV host-actress na huwag siyang pansinin at kaya naman daw niyang mag-vlog para sa netizens.

Sa una ay nagkakatuwaan pa ang dalawa nang sumakay sila sa elevator pero nang marating na nila ang mismong closet ni Small ay nakiusap si Alex na kung pwedeng lumabas ang lahat para makapag-usap sila ng solo.

Agad namang tumalima ang mga kasama nila na nagstu-syoot at iniwan ang dalawa.

Dito na nga umamin si Alex na kasalukuyan siyang may hinaharap na problema na hindi pa alam ng kanyang asawang si Mikee maging ng kapatid na si Toni at kanilang mga magulang.

“Hindi ko pa po sinasabi sa ate ko ngayon, wala pong kinikita ‘yun ngayon,” saad ni Alex.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Aniya, naloko daw siya ng kanyang kaibigan na kung saan nagtiwala siya na kikita siya sa pag-i-invest.

Kaya nga naisipan na lamang ni Alex na mangutang na lamang kay Small.

Agad na pinatawag ng socialite-vlogger ang kanyang asawa para kausapin ni Alex at magtanong kung pwede manghiram ng pera.

Pumayag naman ang asawa ni Small na magpahiram ng P3M dahil naiintindihan daw niya ang pinagdaraanan ni Alex dahil naloko na rin siya noon.

Nang pinapakuha na ng mag-asawa ang kanilang check book ay nahuli naman ng asawa ni Small ang isang camera na nagre-record.

Dito na nga inamin ni Alex na prank lang ang lahat.

“It’s a prank!” naiiyak na natatawang saad ng actress-vlogger.

Agad namang nilinaw ni Small na hindi sila nagpapautang dahil baka akalain ng iba na nagpapahiram sila ng pera.

“Si Alex ka lang kaya kami pumapayag,” saad ni Philip, asawa ni Small.

Muling paglilinaw ni socialite-vlogger, “Guys, wag n’yo kaming uutangan. Wala kaming ipapautang.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending