Kara David proud na proud sa anak na ga-graduate ng kolehiyo | Bandera

Kara David proud na proud sa anak na ga-graduate ng kolehiyo

Therese Arceo - July 28, 2022 - 06:53 PM

Kara David proud na proud sa anak na ga-graduate ng kolehiyo

IBINANDERA ng mamamahayag na si Kara David ang masayang balita ukol sa pagtatapos ng kanyang anak na nag-aaral sa University of the Philippines-Diliman.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang latest achievement ng kanyang anak na si Juliana Kristiana David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)

“Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak. Masipag, matalino, mapagkumbaba at mapagmalasakit sa kapwa. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay,” pagbabahagi ni Kara.

Dagdag pa niya, “Congratulations Juliana Kristiana David. Mahal na mahal ka namin at lagi kaming susuporta sa iyo.”

Si Julia ay kabilang sa Batch 2022 ng mga magsisipagtapos sa kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development.

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa Instagram post ni Kara gaya na lamang ng mga kasamahan nitong sina Nelson Canlas pati na rin ni MJ Marfori.

“Congratulations! She was a former student of my daughter in MCHS,” comment naman ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “Congratulations, Julia! Nawa’y gabayan ka ng Panginoon sa iyong mabubuting gawain. Patuloy sa pagmamalasakit sa kapwa at pagtulong sa nakararami.”

“Congratulations to the blessed Parents and to your daughter! Job well done Julia!” hirit pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Karen Davila saludo kay Jessica Soho: Mas mahirap pong magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag…

Handa na nga bang mag-retire si Mike Enriquez?

Awra proud na napagtapos ang ama sa kolehiyo: Ako po yung umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending