Awra proud na napagtapos ang ama sa kolehiyo: Ako po yung umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma
Awra Briguela and family
MARAMING na-inspire at na-touch sa kuwento ng Kapamilya youngstar na si Awra Briguela tungkol sa pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang ama.
Para kay Awra, biggest achievement na niyang maituturing na napag-aral at napa-graduate niya ang kanyang tatay na si Oneal Brian Briguela mula sa mga naipon niyang talent fee sa pag-aartista.
In fairness, talagang nagbunga ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo sa trabaho ni Awra sa murang edad dahil nabigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Muli niyang naikuwento ang tungkol sa kanyang ama sa YouTube video ni Karen Davila na in-upload nito lang Dec. 4.
Ani Awra, gumradweyt ang tatay niya sa college noong April, 2019. Ibinandera niya ito nang bonggang-bongga sa Instagram kung saan kitang-kita ang kaligayahan niya sa graduation photos nito kasama ang kanyang lola.
Ani Awra sa caption, “Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila its better than late, than never.
“Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!” aniya pa.
Sa isa namang panayam kay Mang Oneal noong 2017, inamin niya na ang anak nga niya ang nagpaaral sa kanya nang mawalan siya ng trabaho.
“Parang siya na po yung nagpapaaral sa akin. Baliktad na. Simula lang po nu’ng nawalan po ako ng trabaho ‘tapos nahiwalay pa ako sa nanay niya, parang yun na lang naisip ko na magandang ipapakita sa mga anak ko,” pahayag ng ama ni Awra.
Sa interview sa kanya ni Karen, binalikan ni Awra ang tagpong yun sa buhay nilang mag-ama, “Nu’ng time po kasi na iyon, gustung-gusto talaga ni Papa nun ulit na bumalik sa pag-aaral.
“Kasi nga gusto niyang ipakita sa amin na kahit anong edad mo pa, puwede kang bumalik sa pag-aaral anytime.
“And gusto niyang patunayan sa amin na sobrang mahalaga talaga yung pag-aaral,” aniya pa.
View this post on Instagram
Kuwento naman ni Oneal, “Nagsimula po ulit ako sa first year college. Thirty-two years old na ako noon. Ako yung pinakamatanda sa batch namin na gumradweyt.”
“Noong una po, nahihiya ako, e. Pero mindset ko, pakapalan na lang ng mukha ito. Kung di ko kakapalan ang mukha ko, walang mangyayari.
“Pero awa naman po ng Diyos, habang tumatagal, mas na-a-appreciate nila yung ganoong mindset.”
“Na-realize ko po na iba kapag may aral. Iba yung kapag naka-graduate ka. E, ayoko din naman mangyari sa point na dumating yung mga anak ko sa ganoon, e,” kuwento ni Oneal.
Pahayag naman ni Awra nang maka-graduate na ang ama, “Yung touching, ako po yung isa sa umakyat sa stage para bigyan siya ng diploma. Nandoon po ako nang bigyan siya ng diploma.
“Siyempre, nakita ko po noon kung gaano siya kadesidido na bumalik ulit sa pag-aaral.
“Proud na proud po kaming umakyat siya ng stage and nakuha na po niya yung gusto niya talaga,” sey pa ni Awra na naunang sumikat bilang si MakMak sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
https://bandera.inquirer.net/290208/awra-briguela-super-proud-bilang-working-student-inalagaan-talaga-ako-nina-kuya-coco-at-ate-vice
https://bandera.inquirer.net/299642/awra-nagpa-house-tour-sa-bonggang-bahay-dito-namin-sasalubungin-ang-pasko-at-new-year
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.