Lovi, Benjamin feeling winner dahil kay Kara; Carla may bonggang pasabog Bandera

Lovi, Benjamin feeling winner dahil kay Kara; Carla may bonggang pasabog

Ervin Santiago |June 03,2021
share this

Lovi, Benjamin feeling winner dahil kay Kara; Carla may bonggang pasabog

Ervin Santiago - June 03, 2021 - 09:10 AM

TUWANG-TUWA ang Kapuso actress na si Lovi Poe nang malamang super fan ng teleserye nilang “Owe My Love” ang isang award-winning broadcast journalist.

Ang tinutukoy ni Lovi ay ang TV host at news anchor na si Kara David na aminadong sinusubaybayan niya ang GMA Telebabad series na “OML”.

“Nakaka-flatter naman na si Ms. Kara David, na isa sa mga nanonood sa amin. It’s really nice. It makes us feel very happy.

“Just hearing good words is something that makes us feel more inspired and hopeful that someday we get to work together soon,” ang pahayag ni Lovi nang nalamang hook na hook ang veteran broadcast journalist sa nasabing serye mula sa GMA Public Affairs.

Sa isang interview, inamin ni Kara na talagang tumitigil siya sa kung anuman ang kanyang ginagawa at bawal na rin siyang istorbohin pagdating ng 9:35 p.m. dahil manonood na siya ng romantic-comedy series nina Lovi, Benjamin Alves, Ai Ai delas Alas, Kiray Celis at marami pang iba.

Para naman kay Benjamin, maituturing niyang malaking success na ma-capture ng kanilang serye ang interest ng isang dokumentarista tulad ni Kara.

“I think the fact na nahuhuli namin ang kiliti ni Ms. Kara David, successful na kami. Nakakatuwa po na we were able to showcase a different side of us. 

“Nakakatuwa na nakita rin ‘yun ng mga Kapuso natin. I hope that they will remember the show even after its run,” ani Ben.

Marami pang inihandang surprise ang “Owe My Love” sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong Biyernes. Kaya tutok na sa GMA Telebabad.  

* * *

Sumabak na sa unang araw ng lock-in taping si Carla Abellana para sa upcoming GMA series na “To Have And To Hold.”

Bibigyang-buhay ni Carla ang karakter ni Erica Gatchalian sa bagong series ng GMA kung saan makakasama niya ang multi-talented Kapuso stars na sina Max Collins (bilang Dominique) at Rocco Nacino (bilang Gavin). 

Sa ipinasilip na behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping ay makikita si Carla na nakabihis bilang si Erica. Maraming netizens naman ang nakapansin sa blooming at fresh na aura ng Kapuso actress. 

Komento ng isang netizen, “Sa look and aura pa lang, ang layo kay Adele. Very young, flirty. Ibang role naman at maganda, inaaral niya talaga. Good job Ms. Carla.”

Ano nga kaya ang magiging papel ni Erica sa buhay nina Dominique at Gavin? Abangan yan sa “To Have And To Hold” sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending