Annabelle Rama tinuluyan ng NBI, kinasuhan ng cyber libel dahil sa socmed post laban kay Jayke Joson | Bandera

Annabelle Rama tinuluyan ng NBI, kinasuhan ng cyber libel dahil sa socmed post laban kay Jayke Joson

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 01:15 PM

Jayke Joson at Annabelle Rama

SINAMPAHAN na ng cyber libel case ng National Bureau of Investigation o NBI ang talent manager at dating aktres na si Annabelle Rama sa Office of the City of Prosecutor sa Las Piñas City.

Ito’y base na rin sa reklamong inihain ng dating business associate ni Sen. Manny Pacquiao na si Jayke Joson laban sa asawa ng veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Ayon sa NBI, matapos ang isinagawa nilang imbestigasyon  nakakita sila ng ilang merito sa complaint ni Joson na isinumite noong Oct. 27, 2021 ng kanyang mga abogado na sina Atty. Larry Gadon at Atty. Ramon Esguerra.

Nag-ugat ang demandahan ng nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez at ni Jayke Joson matapos silang magsagutan at magpalitan ng maaanghang na salita sa social media. 

“The NBI formally wrapped up its probe and recommended to file a cyberlibel raps against Annabelle Rama in Las Piñas City Prosecutors Office,” ang pahayag ni Joson sa kanyang media statement.

Kung matatandaan, inalmahan ni Jayke Joson ang mga social media post ni Annabelle Rama kung saan sinabihan siya nitong “magnanakaw” noong magkasama pa sila ni Pacquiao. 

“I pursue this case to fight a bully and a spreader of fake news. These people who act like trolls like Annabelle Rama are creating fake news to discredit the name of a person for personal gain,” ang pahaya pa ni Joson.

Diin pa niya sa panayam sa kanya ng media, “Bigyan natin ng sampol ang mga walang habas na gumagawa ng maling impormasyon sa kanilang personal accounts. Labanan natin yan!” 

Samantala, ayon naman sa legal counsel ni Rama na si Maggie Abraham, hindi pa nila nababasa ang kabuuang detalye ng kaso. Sa ngayon, hihintayin daw muna nila ang kopya ng subpoena ng korte para makapaghain sila ng counter-affidavit.

Nauna rito, nag-file rin si Rama ng cyberlibel case laban kay Joson noong Dec. 7, 2021 sa Office of the City Prosecutor of Quezon City dahil naman sa panayam kay Joson noong October, 2021 kung saan tinawag niya itong swindler na may mga pending cases pa. 

“He likewise said in that interview that Ms. Annabelle Rama has pending cases for estafa at RTC Manila and other pending cases before courts in Quezon City when Ms. Rama has no pending cases in these courts.

“We secured certifications from OCC-RTC and MTC of Manila and QC proving that she has no pending cases with them,” sabi ng lawyer ni Rama sa panayam ng ABS-CBN.

Nabatid na itinakda ng korte ang next hearing sa kaso ni Rama laban kay Joson sa Feb. 18. 

https://bandera.inquirer.net/296058/jayke-joson-hinamon-si-annabelle-rama-na-maglabas-ng-ebidensiya-or-i-will-sue-them-in-court

https://bandera.inquirer.net/292687/annabelle-rama-ipinagtanggol-si-jinkee-laban-sa-reporter-na-mapanira-at-mukhang-pera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296392/jayke-joson-sinampahan-ng-cyberlibel-si-annabelle-rama-hindi-ka-rin-namin-aatrasan-doon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending