Judy Ann Santos handa na ba sa pagbabalik-horror para sa MMFF 2024?
MAGBABALIK sa paggawa ng horror film si Judy Ann Santos sa upcoming 2024 Metro Manila Film Festival mula sa direksyon ni Chito Rono.
Ang exciting news ay kinumpirma mismo ni Juday sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News sa event na dinaluhan niya.
“Yes. Horrror with Direk Chito Rono. Hopefully matuloy, hindi pa ako makapag (commit), I can’t give any confirmation yet kasi may hinihintay pang something. So mayroon pang final approval and official list of entry, so ayoko naman pangunahan kasi baka maudlot,” sey niya.
Dagdag ng batikang aktres, “But I am hoping na matuloy ‘yung movie namin ni direk Chito, ang tagal na naming hindi nakakagawa ng pelikula, ang tagal ko na ring hindi nakakagawa ng horror film and my last movie for MMFF was “Mindanao” and that was five years ago, so hindi ko akalain na its the 50th year of Metro Manila Film Festival so it’s very, very special and pinagdarasal ko pa rin na sana matuloy kasi it’s nice to be part of that historical event.”
Walang binanggit ang aktres kung sino ang makakasama niya sa horror film na gagawin niya kay Direk Chito.
Baka Bet Mo: Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo
Samantala, inamin din ni Juday na bihira siya tumanggap ng project kasi nga prayoridad niya ang pamilya niya.
Ang paliwanag ni Judy Ann, “Actually, malaking factor rin ang material itself, ‘yun talaga kasi ‘yung nagdidikta sa akin kung would this be worth it ba na medyo mas madalas akong wala sa bahay, uuwi akong tulog na ang pamilya ko, and of course ngayon mas doable kasi malalaki na ang mga bata, kaya na nila, and siyempre at some point, kailangan mo rin gawin ‘yung nami-miss mo kasi hindi naman ako magsisinungaling na hindi ko nami-miss umarte. Nami-miss ko pa rin umarte bilang ito rin naman ang una kong minahal kaya ako nakapasok sa industriyang ‘to.”
Patuloy pa niya, “every time rin naman na may mag-o-offer ng proyekto sa akin, nilalatag ko na agad ‘yung reyalidad ko bilang nanay, bilang asawa na importante sa akin ang family time, so may mga oras talaga na kailangan kong mag-bawi ng schedule at palitan ko sa ibang mga araw.”
“Kasi kung hindi, maiintindihan ko naman and napaka-swerte ko lang, I guess, na pinagbibigyan nila ako and hinahayaan nila ako na gampanan ko ‘yung bagay na talagang pinakaimportante sa buhay ko, which is being a mom and being a wife.”
Anyway, naaliw din kami kay direk Chito dahil sabi niya sa nakaraang IdeaFist Film Festival round table for directors na ayaw na niyang -horror, pero heto at sasali siya sa 50th year ng MMFF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.