Michael Pangilinan ninerbiyos sa unang eksena nila ni Edgar Allan Guzman sa CR
Nag-first shooting daw na finally ang baby nating si Michael Pangilinan para sa kanyang launching movie – ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa direksiyon ni kafatid na Joven Tan.
Sinamahan namin si Michael sa shooting ng kaniyang Mommy Precy, Tito Rene Villanueva ng Tourism office ng Guiguinto and Roel Villacorta sa Villarez Subdivision sa Calumpit, Bulacan the other day.
Nandoon din sa set sina Matt Evans and Joross Gamboa who play very important roles in the movie plus Edgar Allan Guzman who plays Michael’s gay best friend.
Ang unang eksena ni Michael ay sa comfort room scenme nila ni Edgar Allan kung saan merong naninilip na matandang bading habang siya’y umiihi.
Nerbiyos na nerbiyos si Michael sa pagtapon ng dialogues dahil kaeksena niya si EA na super-galing umarte. Pero naitawid niya ang eksenang iyon nang maayos. Kumbaga, iyon ang baptism of fire niya.
“Nakakanerbiyos palang umarte. I’ve tried acting before, meron akong sinalihang bagets movie noon pero hindi ganito kaseryoso. Nag-guest din ako sa isang TV drama noon pero nahihiya pa akong humarap sa kamera.
Pero ngayon ay iba pala ang feeling lalo pa’t lead role ka. Feeling ko hindi pa ako ready kaya bahala na si Direk Joven na umalalay sa akin.
“Salamat sa Diyos at nagawa ko naman nang maayos ang mga eksena ko. Galing nga eh. Saya namin sa set. Iyon nga lang, nakakapagod palang mag-artista, iba pa rin yung singer ka lang.
Hindi masyado ang puyatan and hindi stressful. “Pero siyempre, since first major film ko ito, pinapangako ko that I will do my darn best para hindi ma-disappoint ang mga followers natin,” ani Michael.
Hay naku, ginusto mo iyan kaya panindigan mo. Pero mukha namang nag-i-enjoy si Michael sa set, eh. Nahihiya lang siya sa una pero di-kalauna’y makulit na with his co-stars.
Anyway, speaking of Michael, makakasama na naman niya ulit mamayang 3 p.m. ang ate Regine Velasquez niya sa Regine Series ng PLDT sa Market, Market sa Global City. Magdu-duet na naman sila ulit at maririnig niyo na naman ang ilang inihanda niyang songs for his fans.
Aside from this Market, Market guesting with our Asia’s Songbird, kasama rin siya sa dalawa pang Regine Series shows, sa Glorietta on July 11 and Trinoma on July 18.
“Nakakatuwa si Michael sa stage. Magaling talaga siyang kumanta at ang guwapo pa. Gusto ko siyang pasalamatan for guesting in my mall shows and in fairness to him, napakalakas niya sa audience,” ani Ms. Regine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.