Elisse, Barbie, Arielle nagkapasa-pasa habang sinu-shoot ang ‘You Have Arrived’ ng Iwant | Bandera

Elisse, Barbie, Arielle nagkapasa-pasa habang sinu-shoot ang ‘You Have Arrived’ ng Iwant

Bandera - October 25, 2019 - 12:10 AM

ELISSE JOSON, BARBIE IMPERIAL AT ARIELLE ROCES

SUMABAK sa matinding aksyon at buwis-buhay na mga eksena ang tatlong Kapamilya actress na sina Elisse Joson, Barbie Imperial at Arielle Roces para sa pinakabagong iWant digital film na “You Have Arrived.”

Kuwento ng tatlong dalaga, talagang nagkapasa-pasa at nagkasugat-sugat sila sa katawan dahil sa intense na mga eksenang ginawa nila sa pelikula. Malalagay sa panganib ang kanilang mga buhay dahil sa pagiging uhaw sa atensyon sa social media.

Iikot ang kwento ng iWant digital movie na ito sa magkakaibigang micro-influencers na sina Arianne (Elisse), Flo (Arielle) at Dani (Barbie) na ang tanging kagustuhan ay makakolekta ng maraming likes, views, at followers ang online accounts nila.

Magsisimula ang kuwento nang i-livestream nina Flo at Dani ang panghihipo kay Arianne, na siya namang magiging dahilan ng pagkawala ng followers nito. Dahil sa pangyayari, magkakagulo ang pagkakaibigan nila at magsisisihan dahil sa pagkasira ng pangalan ni Arianne.

Dahil desperadong makuhang muli ang nawalang followers, tatanggapin ni Arianne ang isang imbitasyon sa isang misteryosong “Epik Party,” na sinasabing isang event para sa mga malalaking influencers.

Kahit pa sila ang may sala sa pagguho ng reputasyon niya, iimbitahan ni Arianne sina Flo at Dani sa naturang event sa pangarap na sumikat at mapalaki pa ang kani-kanilang social media following.

Dadalo ang tatlo sa party na inaakala nilang mag-aangat sa kanilang online careers, ngunit madidiskubre nilang isa lamang itong malaking pagpapanggap para takpan ang katotohanang isa itong mapanganib na prostitution ring. Sa pagtakas ng tatlo mula sa kapahamakan, mapipilitan silang lumaban at dadanak ang dugo para masalba ang kanilang buhay.

Makalabas pa kaya nang buhay ang magkakaibigan? Tuluyan na bang magtatalikuran ang magkakaibigan o patitibayin ng insidente ang kanilang samahan?

Ang “You Have Arrived” ay mula sa produksyon ng Rein Entertainment at Cinebro, na nilikha at idinirek ni Shugo Praico, na siya ring nagsulat at nagdirek ng iWant original series na Bagman.

Sundan ang madugo at bayolenteng kuwento ng “You Have Arrived” na nagsimula na nitong nakaraang Okt. 25 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

***

Samantala, natanong naman ang tatlong bida ng “You Have Arrived” kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para dumami pa nang dumami ang kanilang followers sa social media?

Sey ni Barbie, “Parang ganoon na yung naging sistema sa panahon ngayon. Kahit magaling ka naman pero kaunti ’yong followers mo, minsan hindi mo talaga makukuha kong ano ang gusto mo.

“For me, importante din po talaga yung followers, the likes kasi doon ka talaga mapapansin ng mga tao, kung ano yung mga kakayahan mo. Pero dapat responsable ka rin dahil marami nag nakakakita sa ‘yong mga bata, matatanda, marami kang ma-impluwensiyahan,” aniya pa.

Sey naman ni Elisse, “We can post and show everyone, show the public what we want you guys to see,” the former Pinoy Big Brother housemate Elisse said. “Pero, at the end of the day, ang totoong buhay pa rin is off of social media.”

Para naman sa baguhang si Arielle Roces na nagsimula ang career sa paggawa ng mga TV commercial may pros and cons ang paggamit ng socmed, “Meron talagang negativities. Minsan, if we’re using too much social media, we tend to leave off real-life experiences: to be with our family, to be with our friends.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And, for me, I try to approach this type of philosophy. It’s called digital minimalism.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending