Pelikulang ‘Cobweb’ ni Kim Jee-won bigatin ang mga casts, paniguradong magugustuhan ng Pinoy K-drama lovers
PUNO ng sinehan sa ginanap na advance screening ng Korean dark comedy movie na”Cobweb” at dinaluhan din ito ng ilang local celebrities na ang nakita namin ay si Direk Ricky Davao na mahilig pala talaga siya sa Korean dramas at movies.
Ang ganda ng twist ng “Cobweb” na sinulat at idinirek ni Kim Jee-won na pinagbidahan naman nina Song Kang-ho na nakilala sa pelikulang “Parasites” (2019), “Lim Soo-jung” isa sa cast ng “A Tale of Two Sisters”, Oh Jung-se, Jan Young-nam ng “Its Okay Not To Be Okay”, Jeon Yeo-been ng “Vincenzo”, Park Jung-soo of “Marriage Contract” at former K-Pop idol Krystal Jung ng “Sweet and Sour”.
Si Direk Kim Jee-woon ang mga naunang nagawa ay “A Tale Of Two Sisters” (2003), “A Bittersweet Life” (2005), at “The Good, The Bad, The Weird” (2008). Ang Cobweb” ay nabuo pagkatapos na pagnilayan ang pakikibaka ng mga artista, filmmaker, at buong industriya ng pelikula, na labis na naapektuhan ng pandemya.
Aniya, “Despite the countless horrible conditions that were triggered by the pandemic, life went on. Through the set of the film-within-a-film Cobweb, which is only completed through a great number of struggles, I want to send a hopeful and tentatively optimistic message that cinema will go on, just as life goes on despite all of its ironies and hardships.”
Isang cinematic treat para sa K-Entertainment fans, dahil isa sa pinakaaabangang movie sa South Korea ang mapapanood sa mga sinehan sa Pilipinas ngayong Oktubre 4. Nag-premiere ang “Cobweb” sa labas ng kompetisyon sa 2023 Cannes Film Festival, sinusundan ng pelikula ang kuwento ng isang direktor noong 1970s na pinagmumultuhan ng pagnanais na muling i-shoot ang pagtatapos ng kanyang pinakabagong pelikula sa kabila ng hindi magandang kondisyon. Ang kaguluhan ay naganap nang magsimula tumaas ang sala-salabit na mga komplikasyon sa set ng pelikula.
Ang “Cobweb” ay prinoduce ng Anthology Studios at ipinamahagi sa buong mundo ng Barunson E&A, ang parehong studio na gumawa ng Parasite.
Ang “Cobweb” ay eksklusibong ipinamamahagi sa Pilipinas ng TBA Studios nagdala rin sa bansa ng mga award-winning na pelikula tulad ng “Everything Everywhere All At Once” at ang box-office romantic drama na “Past Lives”.
Mapapanood na ang Cobweb sa mga sinehan simula sa Oktubre 4. Para sa mga update sa pelikula, sundan ang @TBAStudiosPH sa Facebook, Instagram, at Twitter.
Related Chika:
Ruffa ikinumpara sa pusa si Willie: ‘I think he has 9 lives…just enjoy life, don’t be so sensitive!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.