Anak ni Ogie Diaz maswerteng napansin ng Korean star na si Cha Eun Woo: 'Kahit sabihin pang OA ang anak ko at least genuine...in short, wag pong bitter' | Bandera

Anak ni Ogie Diaz maswerteng napansin ng Korean star na si Cha Eun Woo: ‘Kahit sabihin pang OA ang anak ko at least genuine…in short, wag pong bitter’

Ervin Santiago - July 05, 2023 - 11:55 AM

Anak ni Ogie Diaz maswerteng napansin ng Korean star na si Cha Eun Woo: 'Kahit sabihin pang OA ang anak ko at least genuine...in short, wag pong bitter'

Erin Diaz at Cha Eun Woo

“WAG pong bitter.” Yan ang paalala ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa lahat ng nangnenega sa anak niyang si Erin Diaz.

Ito’y nagsimula nang kumalat sa social media ang mga litrato at video ng anak ni Papa O na kuha sa fan meet ng sikat na South Korean superstar na si Cha Eun Woo na ginanap last Sunday sa Araneta Coliseum.

Si Erin kasi ang napili ng K-Drama actor bilang Best Dress of the Night with her wedding gown OOTD. Nanalo siya ng isang standee ni Cha Eun Woo na may pirma.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erin Diaz (@erind_official)


Sa Facebook, nag-post si Ogie tungkol sa na-experience ng anak sa fab meet ng Korean Star. Sinabi nito kung gaano kasaya si Erin nang makita up close and personal ang iniidolong K-Drama at K-Pop star.

Kalakip ang litrato ni Erin sa naganap na fan meet ang caption niyang, “Flex ko lang po yung anak kong super fan ni Cha Eun Woo. Na di makapaniwalang mapipili siya.

“Pero dahil sa mga kunsintidor niyang kuya na sina Denn at Patrick na kinarga siya para mas makita siya ng sikat na Korean star, ayun at napansin din siya sa kanyang kinalalagyan sa lower box, sa tulong ng pag-iilaw sa kanya ng kanyang Ninang Biboy Arboleda, natupad ang kanyang pangarap.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs sinupalpal ang basher: I guess that’s how far your vocabulary goes

“Me mga nababasa akong comment, ‘Anak ba talaga ni Ogie Diaz yan? Di niya kamukha, baka ampon niya lang.’

“Kaya nakuha kasi anak pala ng artista.

“Naka-bridal ba naman, di mapapansin.

“Hahaha! Um-effort naman ang anak ko. Sa Shein lang niya yon binili, mura pero mukhang mahal lang ang dating.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erin Diaz (@erind_official)


“Nag-research ang anak ko sa history at mga likes and dislikes at hilig ng Korean Star.

“Saka kamukha po siya ng Mommy Sowl niya, buti nga di ko masyado kamukha. Hahaha!” chika pa ni Papa O.

Dagdag pa ng talent manager, “Suwertihan lang po yan. Nagkataon na naituro ang anak ko, kaya siya ang nagka-chance na makalapit sa stage at makita at magkatinginan sila ng idol niya.

“Kaya kahit sabihin pa ng iba na OA ang anak ko sa reaction niya, at least, genuine. At siya ang pinakamasaya that night.

“In short, wag pong bitter,” aniya pa.

Kim Domingo namigay ng free tickets para sa Cha Eun Woo fan meet; may promise sa cancer patient

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz proud tatay nang maka-graduate ang anak: Mas magandang may tinapos para kung iwan kayo ng asawa n’yo, di kayo pwedeng pagmalakihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending