Pokwang na-appreciate ang hangarin na mabigyan ng trabaho ang mga local artists, may mungkahi sa gobyerno
MASKI ang Kapuso actress at comedienne na si Pokwang ay naglabas ng saloobin patungkol sa pagpapa-ban ng KDrama sa bansa.
Sa kanyang Twitter account ay inihayag niya na na-aapreciate naman niya ang hangarin ng mga opisyal ng gobyerno na mabigyan ng trabaho ang mga nasa industriya.
“Maganda naman po ang inyong hangarin senador na mabigyan kming mga local artists ng trabaho, salamat po,” pagbabahagi ni Pokwang.
Ngunit para sa kanya, mas maigi sana na sa halip na i-ban ang Korean dramas ay mas dagdagan na lang pinapakitang suporta ng gobyerno sa film industry.
“Pero imbes na i ban ang mga koreanovela gayahin natin sila na suportado ng gobyerno ang bawat proyekto nila at ang buong industriya nila,” pagpapatuloy pa ni Pokwang.
Marami namang ang sumang-ayon sa pahayag ng Kapuso star.
“Hindi reason kung 1st or 3rd world country pagdating sa pagawa ng story line at production. May dapat lang ayusin talaga sa sistema. Grabe yung support ng Korean Government sa Film Industry nila, olats yung satin,” saad ng netizen.
View this post on Instagram
Comment naman ng isa sa tweet ni Pokwang, “True. Kaya malakas ang tourism ng Korea, bukod sa kpop, naha-highlight ng mga series ung products at tourism nila. Dekalidad ang mga series nila kasi supportado sila ng gobyerno. Bakit di nating gawing benchmark instead na burahin?”
Sey naman ng isa, “orrect! Kaya magaganda ang quality ng films and series nila kasi suportado ng gobyerno nila. Nag iinvest ang government nila sa showbiz industry kasi major tax contributor din ang showbiz industry.”
Matatandaang agad na nag-trending ang pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang pagbibigay konsiderasyon sa pagba-ban ng K-Drama sa bansa.
maganda naman po ang inyong hangarin senador na mabigyan kming mga local artists ng trabaho,salamat po…pero imbes na i ban ang mga koreanobela gayahin natin sila na suportado ng gobyerno ang bawat proyekto nila at ang buong industriya nila 🙏🏼 #kungpwedelangnaman
— marietta subong (@pokwang27) October 19, 2022
Ito ay para raw mas tangkilikin ng mga Pinoy ang locally-made series and movies.
Ngunit umani ng negatibong komento ang nauna niyang pahayag kaya nilinaw ng senador na “out of frustration” lamang ang kanyang naunang pahayag.
“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” saad ni Sen. Jinggoy.
“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” dagdag pa niya.
Bukod kay Pokwang ay naglabas rin ng saloobin sina Atty. Rowena Guanzon, Chito Miranda, at Bela Padilla.
Related Chika:
Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution
Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!
#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.