Jinggoy gustong ipa-ban ang mga K-drama sa Pinas, pero sey ni Robin taasan na lang ang tax ng foreign series | Bandera

Jinggoy gustong ipa-ban ang mga K-drama sa Pinas, pero sey ni Robin taasan na lang ang tax ng foreign series

Reggee Bonoan - October 19, 2022 - 09:28 AM

Jinggoy gustong ipa-ban ang mga K-drama sa Pinas, pero sey ni Robin taasan na lang ang tax ng foreign series

Robin Padilla at Jinggoy Estrada

MUKHANG maraming hindi pabor sa plano ni Sen. Jinggoy Estrada na ipagbawal o ipa-ban na ang pagpapalabas ng Korean drama sa Pilipinas.

Ayon kasi sa aktor at senador  imbes kasi na mas tangkilikin ang mga Filipino series ay mas maraming suportang nakukuha ang mga K-drama series.

Nabanggit ito ni Sen. Jinggoy sa Senate hearing (nasa zoom siya) nitong Martes para pag-usapan ang 2023 budget ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Chairman Tirso Cruz III.

At dito niya nabanggit na naiisip nga raw niyang ipa-ban ang mga series mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Korean drama na labis na sinusubaybayan ngayon ng mga Pinoy.

Aniya, “Chairman Pipo (tawag kay Tirso) sa tingin n’yo ba dahil diyan sa Korean telenovelas, una ako hindi ako sang-ayon dahil ang aking obserbasyon pag patuloy tayong nagpapalabas ng Korean telenovela ang hinahangaan ng ating mga kababayan, itong mga Koreano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Senator Jinggoy Estrada (@jinggoyestrada29)


“At mawawalan ng trabaho at kita ‘yung ating mga artistang Pilipino. Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovelas ng mga foreigners na dapat ang mga artista nating Pilipino na talagang may angking galing sap ag-arte ay iyon dapat ang ipalabas natin sa sarili nating bansa.

“E, ang pino-promote natin ‘yung mga produkto ng Koreano kaya nagkakaroon tayo halos ng mga produktong Koreano sa atin imbes na ipo-promote natin ang mga sarili natin atin, ang napo-promote ang mga banyaga. Tama po ba ako ro’n Mr. Chair?” ang tanong pa ng senador kay Tirso Cruz III.

Kasama rin sa nasabing hearing si Sen. Robin Padilla na ang mungkahi naman ay itaas ang tax para sa foreign series.

Aniya, “Maaari po bang taasan natin itong tax ng mga foreign series na pumapasok sa atin para kahit paano po ‘yung subsidiya nito bigay natin sa mga workers sa industriya natin, sa local, kung paano po ginawa natin diyan sa rice tariffication, gawin nating foreign teleserye tariffication dahil marami pong nawawalan ng trabaho dito.

“Ang hirap naman pong i-ban natin sila pero dapat po siguro maging patas lang po tayo kawawa po ang ating industriya,” sabi pa ni Sen. Robin.

At inang-ayunan ito ni FDCP chair Tirso na dapat maging balanse ang promotion at proteksyon ng ating local series/films.

Going back to Sen. Jinggoy, marami kaming nabasang komento na hindi sang-ayon sa plano niyang i-ban ang K-dramas sa bansa.

Sabi ni @Francis Wilson, “I love KDramas. There are many reasons why the world is hooked. It is not Korea’s fault that they are good at what they do and the Philippines isn’t anymore.”

Ni-repost naman ng kolumnistang si Ginoong Antonio Contreras sa kanyang Facebook account ang pahayag na ito ni Jinggoy.

Ang caption ni Ginoong Contreras, “Another protectionist stance. So should we also ban Netflix and HBO? Why don’t you instead pass enabling laws to support and strengthen local movies and TV dramas?”

Mukhang isa pang hindi pabor na ipa-ban ni sen Jinggoy ang K-drama ay ang manager niyang si Manay Lolit Solis na super K-drama addict.  Noong wala pa siyang sakit ay nagpupunta siya sa Korea para mabisita ang ilang locations na pinag-syutingan ng mga paborito niyang Korean stars.

Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika

Darryl Yap ipinagtanggol si Jinggoy Estrada: Wag po tayong magpadala sa screenshots kuno

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Erap nagpositibo sa COVID-19; Jake, Jinggoy nakiusap na ipagdasal ang ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending