Ruffa ikinumpara sa pusa si Willie: ‘I think he has 9 lives…just enjoy life, don’t be so sensitive!’
NAGING national issue talaga nitong mga nagdaang araw ang pagpapatigil sa mga show ng ALLTV Channel 2 ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
Ito ang dahilan kung bakit tumalak ang TV host na si Willie Revillame sa programa niyang “Wowowin” last week at binanatan ang mga taong nangnenega at nagpapakalat daw ng fake news tungkol sa ALLTV.
Hindi nito nagustuhan ang kumalat na balitang titigbakin na ang “Wowowin” sa ere pati na ang “Toni” ni Toni Gonzaga, at ang “M.O.M.s (Mhies On A Mission)” nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.
Pinaringgan at sinumbatan din ni Willie ang ilang showbiz personalities tulad ng veteran columnist at online-radio host na si Cristy Fermin, ang talent manager-vlogger na si Ogie Diaz at ang musician-director na si Gab Valenciano.
View this post on Instagram
In fairness, agad na nag-sorry si Willie kay Nanay Cristy sa mga maaanghang na salitang pinagsasabi nito on national TV at sinabing nabiktima lang siya ng click bait sa social media at umamin nga sa kanyang kasalanan.
Sa ginanap na grand mediacon ng pelikulang “Martyr or Murderer” ng Viva Films last February 9, ay nakausap ng press si Ruffa Gutierrez tungkol dito dahil nga isa ang programa niya sa ALLTV na mawawala pansamantala, ang “M.O.M.s”.
Ayon sa dating beauty queen at TV host, naniniwala siyang malalagpasan ni Willie ang kinasasangkutang issue lalo pa’t marami naman siyang natutulungan at napapasaya.
“You know si Kuya Wils, I think he’s like a cat, he has nine lives. Nawala na siya, bumalik, nawala, bumalik, he’ll never go anywhere.
“I think he’ll be fine, I don’t think he will suffer a lot,” mensahe ni Ruffa kay Willie.
Nagbigay din siya ng payo sa veteran TV host kasabay ng pansamantalang pagkawala ng kanilang mga show sa ALLTV.
“I think ang advice ko lang kay Kuya Wils, enjoy life. He’s super successful already, enjoy time with his family, wag nang pansinin yung mga bashers.
“Nandiyan lang yan, importante happy siya sa pamilya niya. Sa tingin ko narating na rin niya ang tuktok ng tagumpay and I believe Kuya Wils has a good heart.
“Yung mga natulungan niya nandiyan lang yan, patuloy siyang pinagdarasal. So chin up, Kuya Wils! Don’t be so sensitive,” paalala pa ng aktres kay Willie.
‘Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna’ — Ogie Diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.