Pagde-date nina Song Joong-ki at Kim Tae-ri fake news: ‘Completely untrue…’ | Bandera

Pagde-date nina Song Joong-ki at Kim Tae-ri fake news: ‘Completely untrue…’

Pauline del Rosario |October 30,2022
facebook
share this

Pagde-date nina Song Joong-ki at Kim Tae-ri fake news: ‘Completely untrue…’

Pauline del Rosario - October 30, 2022 - 04:44 PM

Pagde-date nina Song Joong-ki at Kim Tae-ri fake news: ‘Completely untrue…’

Photos from Instagram account of Joong-ki, Kim Tae-ri

NAGSALITA na ang parehong talent agency ng South Korean stars na sina Song Joong-ki at Kim Tae-ri tungkol sa kumakalat na isyu tungkol sa kanilang relasyon.

Kamakailan lang kasi ay may kumakalat na tsismis na palihim na nagde-date raw ang dalawa.

Ito na ang pangalawang beses na na-link sina Joong-ki at Tae-ri sa “dating rumors.”

Base pa sa ilang Korean media outlet ay naging viral kamakailan sa social media ang kanilang litrato umano na magkahawak ng kamay habang naglalakad sa Paris.

Ang naturang litrato ay nakunan na nakatalikod ang dalawa at hindi kita ang mga mukha.

Dahil diyan, nilinaw kaagad ng dalawang talent agency na isang fake news ang kumakalat na balita.

Noong October 29 ay naglabas ng pahayag ang agency ni Joong-ki na “High Zium Studio” at sinabing, “Song Joong Ki and Kim Tae Ri’s dating rumors are completely untrue.”

Halos pareho rin ang nilabas na statement ng talent agency ni Tae-ri na “Management mmm” at sinabing, “The dating rumors are completely false.”

Taong 2021 nang bumida ang dalawa sa hit Korean film na “Space Sweepers” at dito nag-umpisa ang mga tsismis na posibleng may namamagitan sa kanila.

Samantala, bago magkasama sa nasabing 2021 film ay unang pinagbidahan ni Joong-ki ang sikat na K-Dramas gaya ng “Running Man,” “Descendants of the Sun,” “Vincenzo,” at marami pang iba.

Habang si Tae-ri naman ay bumida sa “Mr. Sunshine,” “Twenty-Five Twenty-One,” at marami pang iba.

Read more:

Son Ye Jin, Hyun Bin may pa-gender reveal sa first baby, fans nagdiwang: ‘So happy for my idol’

BTS Jin, Coldplay may pa-teaser sa bagong collab song, trending sa socmed

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

K-drama star Kim Seon-ho may pa-comeback movie after ‘abortion issue’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending