Ai Ai inokray ang K-drama na The King; 'binugbog' ng fans ni Lee Min Ho | Bandera

Ai Ai inokray ang K-drama na The King; ‘binugbog’ ng fans ni Lee Min Ho

Ervin Santiago - May 25, 2020 - 04:42 PM

Ai Ai- Min Ho

INOKRAY ni Ai Ai delas Alas ang bagong Korean drama series na “The King: Eternal Monarch” na pinagbibidahan ni Lee Min Ho.

Hindi nagustuhan ng Comedy Concert Queen ang kuwento at tema nito, kung hindi lang daw sa Korean superstar na si Lee Min Ho ay hindi niya ito pagtitiyagaang panoorin.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ai Ai ang screenshot ng isang eksena sa “The King” at ibinahagi ang kanyang “review” sa istorya ng serye at kung bakit hindi niya ito nagustuhan.

Narito ang kabuuang caption ng kanyang IG post, “THE KING .. sa netflix kung hindi lang si leemin ho ang bida nito d ako mag tyatyagang bigyan to ng chance pero sorry hindi kagandahan itong palabas na to para sa aking panlasa…masyado ako disappointed.

“Hindi mo maintindihan ang flow ng korean novela na to…science fiction? Action? Love story? Ano ba talaga panalo lang to para sa kanila sa dami ng intrusion … fastfood chain, coffee, energy drink, lipstick, makeup lahat na ata ng klase pero sana mas inisip nila yung ganda ng story bago yung kita.. pero nabasa ko sa google magaling ang scriptwriter nito.

“Kim Eun-sook, the scriptwriter behind several major hit Korean TV dramas, including tvN’s ‘Guardian’ and ‘Mr. Sunshine’ (2018) and KBS2’s ‘Descendants of the Sun’ (2016), as well as ‘The Heirs’ (2013) starring Lee, is in charge of the script for ‘The King.’ (sya ang sumulat ang tanong ANYARE???). 

“Talagang hindi ako maka relate, hindi ako makakapit sa story, na compare ko sya tuloy sa ITAEWON CLASS simple pero aabangan mo eto 5 chances na nabigay ko para ayoko na talaga.

“Magtataka ako bakit sya number 2 sa trending … hayz ang lungkot. sorry idol kita magaling ka pa din actor pero yung flow ng story waley talaga. @actorleeminho.”

May mga netizens na umalma sa mga pinagsasabi ni Ai Ai laban sa K-drama ni Lee Min Ho pero meron ding sumang-ayon sa kanya na nakapanood na rin dito sa Netflix. 

Naka-turn off ang comments section sa IG post ni Ai Ai para siguro makaiwas sa pamba-bash ng fans ng Korean actor pero nag-trending pa rin siya sa Twitter kung saan ni-repost ang kanyang “review”.

Ayon sa isang netizen, ang kapal naman daw ng mukha ng komedyana na laitin ang TV series ni Lee Min Ho, e, mas maganda naman daw itong di hamak sa mga ginawa niyang serye at pelikula. I-review daw muna niya ang mga ginawa niyang proyekto bago siya manglait.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa review ni Ai Ai sa “The King.”

Ayon kay @king_hedgie, “Wow, a comedian has been like Ai Ai Delas Alas bashing #TheKingEternalMonarch just because she doesn’t get the story. I have to laugh though because I don’t like her movies either and finds them corny and cliche.”

Comment ni @bngtn4lyf, “Ms ai ai delas alas i respect your opinion and criticism but to the point that youll compare tkem to itaewon class is such a NO, both dramas has different genre if you’re gonna compare tkem plss look for something that is on its LEVEL.”

Sey naman ni @itssoggone, “WOW HOW FUNNY NMAN NG PANGBABASH NI AI AI DELAS ALAS. HOW DARE HER SAY THAT WHEN HER PROJECTS ARE NOT EVEN AT PAR WITH THE KING? LOL!” 

“DEAR AI AI DELAS ALAS, YOU HAVE NO RIGHTS TO CRITICIZE THIS DRAMA BECAUSE IT’S ONLY FOR THOSE WHO USES THEIR BRAINS. YOU CAN’T EVEN PRODUCE A GOOD FILM FOR YOURSELF. SLOW-WITTED-ENTITLED UNTALENTED BISH,” sey naman ni @suniyaa3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapal ng mukha ng tag pa, close kayo?” pang-aasar ng isa pang Twitter user.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending