Alden hindi pa sinasagot ni Kathryn: Pero pursigido sa panliligaw

Alden hindi pa rin sinasagot ni Kathryn: Pero pursigido sa panliligaw

Reggee Bonoan - October 15, 2024 - 09:08 AM

Alden hindi pa rin sinasagot ni Kathryn: Pero pursigido sa panliligaw

Alden Richards at Kathryn Bernardo

FROM a very reliable source, nagtala ang SM Bacoor Cavite ng record bilang pinakamaraming fans na nanood sa mall show nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ito’y para pa rin sa promo ng upcoming movie nilang “Hello, Love, Again” na ginanap nitong nagdaang weekend.

On sale na raw kasi ang tickets para sa first day showing ng “Hello, Love, Again” sa November 13 pero soldout na raw ito.

Baka Bet Mo: Shooting ng KathDen movie sa Canada napilitang lumipat dahil sa fans

“’Yung mga tao sobrang inabangan talaga ang KathDen kaya naman naghagdanan talaga pababa ang dalawa sa bawa’t floor para makita sila ng mga nag-aabang and to greet them na rin. Grabe ang sigawan kina Kath at Alden,” kuwento ng aming source.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kung ganito kaaga ang bentahan ng tickets at soldout na ay ngayon pa lang ay kumita na ang pelikula.

“Yes, kumita na talaga, ilang block screenings na ang soldout at saka ang daming sponsors. O, di ba? Kita na talaga ang movie,” sabi pa sa amin.

Nabanggit namin sa aming kausap na inamin ng malapit sa KathDen na pressured sila dahil nga kumita ng P880 million ang “Hello, Love, Goodbye” at siyempre para mabawi ang dating Number 1 position nila na nakuha ng “Rewind” na kumabig naman ng P1.2 billion.

“Yes pressured sila kaya nga ang target ay P1.5 billion o kahit na lampasan ang kinita ng Rewind,” pag-amin ng aming source.

Kaya’t sobrang sipag daw ng KathDen mag-promote at ilang linggo pa nilang gagawin ito hanggang mag-showing na.

Siyempre tinanong namin ang aming source kung ano na ang real score sa KathDen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)


“Base sa nakikita ko, medyo iba ang kilos pero naniniwala ako na hindi pa sila magdyowa at sa tingin ko rin hindi pa magdyodyowa si Kath. Pero depende pa rin kasi pursigido si Alden.

“Magkakaalaman ‘yan pag natapos na ang promo ng movie nila at kung consistent pa rin si Alden, baka pa, pero kasi super close talaga si Alden sa family ni Kathryn pati sa father niya. Well ganu’n din naman noon si DJ (Daniel Padilla) close rin naman,” pagtatapat sa amin.

Hanggang sa napag-usapan namin na kung sigurong tumuloy ang pelikula nina Kath at Daniel noon na isu-shoot sa San Francisco, USA ay tiyak na sila pa rin hanggang ngayon at walang sequel ang KathDen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, trulili kaya na may part 3 ang KathDen movie na base sa trailer ay hindi na naman sila nagkatuluyan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending