Xian Gaza napahiya sa ka-date na 'sugar baby' dahil daw kina Alex at Mommy Pinty | Bandera

Xian Gaza napahiya sa ka-date na ‘sugar baby’ dahil daw kina Alex at Mommy Pinty

Reggee Bonoan |February 10,2022
facebook
share this

Xian Gaza napahiya sa ka-date na ‘sugar baby’ dahil daw kina Alex at Mommy Pinty

Reggee Bonoan - February 10, 2022 - 12:39 PM

Alex Gonzaga at Xian Gaza

SINABAYAN talaga ng Pambansang Lalaking Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza ang pamba-bash ngayon ng publiko kay Toni Gonzaga-Soriano nang dahil sa politika.

Nagbahagi ng experience niya si Xian Gaza na nay kinalaman sa mag-inang Mommy PInty at Alex Gonzaga.

Dalawang taon na raw na kinikimkim ng social media personality ang kanyang saloobin patungkol sa mag-inang Gonzaga.

Ito ang mababasa sa Facebook page ni Xian, ”So eto na nga ang chika mga Mars. January 2020 eh nagpunta ako sa Marina Bay Sands kasama ‘yung isa kong Sugar Baby.

“Naghanap kami ng cafe kung saan maaaring tsumibog at uminom ng milk tea. Pag-upo ko… sa dami-dami ng tao sa mundo… ang kaharap ko pa talaga ay si Alex Gonzaga kasama ng kanyang ermats at erpats. Destiny nga naman.

“Ang Mommy Pinty mo eh shookt na shookt ang feslak. Ang Alex naman ay medj lumaki ang mata. Ang sama ng tingin nila sa akin. Parang nakakaloko. So eto na…

“Humirit ba naman ang Pinty kay Alex.

“Pinty: ‘Scammer yan ‘di ba?’

“Alex: ‘Huwag ka maingay baka marinig ka.’

“Pinty: ‘Wanted yan ‘di ba? Ba’t nandito yan? Akala ko nakakulong yan?’

Alex: ‘Yung boses mo hinaan mo.’

“Sobrang napahiya ako sa bebe ghorl ko. Nahusgahan yung buong pagkatao ko na para bang an’sama-sama ko. 

“Ang tanging kasalanan ko lang naman sa batas ay nag-issue ako ng 11 checks na walang pondo. Na-bankrupt lang talaga. Hindi ko naman sinadya o ginusto. Grabe sila sa akin.

“Sabi ko sa kasama ko, ‘2-3 years from now eh magiging legitimate businessman ako at mas hihigitan ko pa ang kayamanan ng mga Gonzaga.’

“After lumisan ni Alex at ng kanyang mga magulang… nag-story ako sa Instagram. Makikita niyo sa top comment yung story ko that day sa loob ng cafe,” sabi pa ni Xian.


Nagpadala na kami ng mensahe kay Alex para kunin ang kanyang side at ni Mommy Pinty tungkol sa inilahad ni Xian Gaza. Agad naming ilalabas ang kanilang paliwanag kaya hangga’t maaari ay huwag muna tayong magkomento ng negatibo tungkol sa mag-ina.

https://bandera.inquirer.net/303275/alex-binasag-ang-b-day-message-ni-mommy-pinty-tumawag-ka-pa-para-ipagmalaki-mo-sa-kin-na-ipinost-mo-ko-sa-ig

https://bandera.inquirer.net/302496/ogie-diaz-kay-xian-gaza-tigilan-mo-na-ang-pagiging-marites

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294686/mommy-pinty-may-balak-magpaka-jamill-gusto-na-ring-ipa-delete-ang-yt-channel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending