Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube? | Bandera

Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

Therese Arceo |July 14,2022
facebook
share this

Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

Therese Arceo - July 14, 2022 - 05:29 PM

Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

TOTOO nga ba ang chika na kumikita ang social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake ng P7.2 million sa kanyang YouTube channel?

May isa kasing TikTok creator ang nagbahagi ng video patungkol sa natatanggap na average monthly earnings ng social media influencer sa YouTube.

Dito nga ay natuklasan niya na ang estimated monthly revenue ni Zeinab ay mula P450,000 hanggang P7.22 million base sa article ng website ng “What’s The Networth”.

Nakita naman agad ng vlogger ang naturang TikTok video at sinabing walang katotohanan na aabot ng P7.22 million kada buwan ang kanyang kinikita.

“Ay sana totoo yan be pag pray ko tama ang nakalagay sa search haha,” saad ni Zeinab sa comment section.

Sa ngayon ay may 12.8 million subscribers na ang social media personality at may total na 731,391,520 views sa kanyang YouTube account.

Base sa aming research ay nakadepende sa bilang ng views at ads ang maaaring kitain sa bawat YouTube video.

Mayroon rin kaming source na nagsabing maaaring kumita ng P5 million pataas ang isang YouTube channel na may mahigit 10 million subscribers pero nakadepende ito sa mga brand intrusions na nakapaloob sa kanilang mga vlogs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Going back to Zeinab, maingay na namang muli ang kanyang pangalan matapos patutsadahan ang dating karelasyon na si Skusta Clee.

Sa isang tweet na ngayo’y burado na nagpatutsada ang vlogger sa kanyang dating kinakasama matapos itong mag-reply sa tweet ng pinsan at miyembro ng Team Zebby na si Jahan Visperas.

“Ngayon may anak ka? [Mang-aaway] ka ng mga tao? Bakit? Kasi maglalabas ka na naman ng kanta?” saad ni Zeinab sa kanyang tweet.

Wala namang binanggit na pangalan ang vlogger ngunit halata na agad ng netizens kung sino ang tinutukoy niya.

“[Wala] na talaga pera? Gusto na lang gulo para umingay? Tama ka na wala ka [nang] magagamit pagod na lahat sayo!” dagdag pa ni Zeinab.

May 2022 nang inamin ng vlogger na hiwalay na sila ng Ex-Batallion member matapos niyang matuklasan na muli na naman itong nagloloko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Zeinab Harake kay Skusta Clee: Wala ka nang magagamit, pagod na lahat sa ‘yo!

Zeinab Harake inaming single pa rin: Looking for the right Mr. Black

Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending