Zeinab Harake kay Skusta Clee: Wala ka nang magagamit, pagod na lahat sa 'yo! | Bandera

Zeinab Harake kay Skusta Clee: Wala ka nang magagamit, pagod na lahat sa ‘yo!

Therese Arceo |July 13,2022
facebook
share this

Zeinab Harake kay Skusta Clee: Wala ka nang magagamit, pagod na lahat sa ‘yo!

Therese Arceo - July 13, 2022 - 04:47 PM

Zeinab Harake kay Skusta Clee: Wala ka nang magagamit, pagod na lahat sa 'yo!

MULI na namang usap-usapan sa social media ang dating magkarelasyon na sina Zeinab Harake at Skusta Clee.

Ito ay matapos magbahagi ng social media influencer sa kanyang Twitter ng hinaing na mukhang patungkol sa dating live-in partner at miyembro ng grupong Ex Batallion.

“Ngayon may anak ka? [Mang-aaway] ka ng mga tao? Bakit? Kasi maglalabas ka na naman ng kanta?” saad ni Zeinab sa kanyang tweet.

Wala namang binanggit na pangalan ang vlogger ngunit halata na agad ng netizens kung sino ang tinutukoy niya.

“[Wala] na talaga pera? Gusto na lang gulo para umingay? Tama ka na wala ka [nang] magagamit pagod na lahat sayo!” dagdag pa ni Zeinab.

Sa ngayon ay burado na ang tweet ng vlogger.

Sa sumunod naman na tweet nito ay ni-retweet niya ang post ng netizen na nagsasabing mommy’s girl ang anak niyang si Zebbiana.

“Itong anak ko di magiging mommy’s girl to kung di ko siya napapasaya araw-araw, masaya na kaming dalawa lang at least totoo yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” sey ni Zeinab.

Bago pa man ang mainit na tweet ng mommy ni Bia ay naging usap-usapan ang reply ni Skusta Clee sa tweet ng pinsan ni Zebby na si Jahan Visperas.

“Wag niyo na idamay yung tao sa kahit ano mang post, eh ano kung nag post ng yellow heart, di na namin problema kung baliw na yan. Kasiyahan at kapayapaan ng mag ina yung pinoprotektahan namin,” sey niya.

Nag-reply naman dito ang ama ni Bia.

“Dami mong kabaklaan nanaman ikaw ba tatay? Palibhasa wala kang tunay na anak kaya di mo nararamdaman yung nararamdaman ko. Laki laki mong tao ingay ingay mo,” banat naman ni Skusta Clee.

Ngunit agad rin itong binura ng Ex-Batallion member kaya naman mas tumibay ang espekulasyon ng netizens na para talaga kay Skusta Clee ang tweet ni Zeinab.

Matatandaang noong Mayo 2022 nang aminin ng social media personality na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak.

Isiniwalat rin nito na muli na naman siyang niloko nito sa kabila ng pagkakaroon nila ng pamilya.

Ani Zeinab, buntis siya noon sa ikalawang anak nilang si Baby Moon at aware naman daw si Skusta sa kondisyon niya pero pinili pa rin nitong iwan ang ina ng anak.

Nakunan si Zebbie marahil na rin sa sobrang stress at sa sakit na nararamdaman sa mga nangyayari sa kanilang relasyon.

Mukha namang masaya at naka-moove on na si Zeinab dahil may mga kumakalat na chika patungkol kay “Mr. Black” na siyang nagpapatibok ng kanyang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

‘Not my baby’ post ni Skusta Clee; sino nga ba ang pinatatamaan?

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending