'Your one and only wife' message ni Priscilla kay John inokray, basher hinamon: 'In case may iba na hindi ko alam, please pa-DM sa akin' | Bandera

‘Your one and only wife’ message ni Priscilla kay John inokray, basher hinamon: ‘In case may iba na hindi ko alam, please pa-DM sa akin’

Ervin Santiago |June 19,2023
facebook
share this

‘Your one and only wife’ message ni Priscilla kay John inokray, basher hinamon: ‘In case may iba na hindi ko alam, please pa-DM sa akin’

Ervin Santiago - June 19, 2023 - 07:31 AM

'Your one and only wife' message ni Priscilla kay John inokray, basher hinamon: 'In case may ibang wife na hindi ko alam, please pa-DM sa akin'

John Estrada at Priscilla Meirelles

PINATULAN ng aktres at dating beauty queen na si Priscilla Meirelles ang isang netizen na nambasag sa kanyang birthday message para sa asawang si John Estrada.

Pinuna at kinorek pa ng nasabing Instagram user ang paggamit ng Brazilian beauty ng mga salitang “one and only wife” sa kanyang mensahe kay John na nag-celebrate ng kanyang 50th birthday kamakailan.

Kalakip ang litrato nila ng aktor sa IG ay ang caption na, “Thank you for being a good provider for our family. Thank you for being a good dad to Anechka.

“Thank you for being my husband. We love you. God bless you and may he be with you always. Your one and only Wife,” pagbati pa ni Priscilla kay John.

Isang basher nga ang nang-okray sa aktres at nagsabing, “Second wife correction please.” Sinundan pa niya ito ng laughing with tears emoji na parang nang-aasar.

Kung hindi kami nagkakamali, ang tinutukoy ng hater ay ang dating asawa ni John na si Janice de Belen.

Hindi ito pinalampas ni Priscilla at talagang sinupampal ang epal na IG user. Aniya, parang hindi raw nito na-gets ang kanyang mensahe.

Sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang annulled ang kasal nina John at Janice bago pa ikasal ang aktor kay Priscilla.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?

Paglilinaw ng Miss Earth 2004, “Next time will write in TAGALOG po so that you can understand. obviously you didn’t.”

Hirit pa niya, “But in case may ibang wife ng Hindi ko Alam Please pa DM SA AKIN para asikasohin. Lol!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ngunit sa halip na tumigil ay sinabihan pa nito si Priscilla na inagaw si John kay Janice, “Di ba nang agawin ka lang nman kaya ng kahiwalay sila. kung hindi ka umiksina sa buhay ng asawa mo ngayon sana buo pa ang pamilya nila.”

Sagot ni Priscilla sa kanya, “The design is very disinformed Please pa google po kayo ng tama information.

“May internet at Google po kayo sa planet nyo po, diba?! Checking lang po,” ang tila pang-aasar pa niya sa netizen.

Matatandaang ikinasal sina Priscilla at John noong February, 2011. Napawalang-bisa naman ang kasal nina John at Janice noong 2004.

John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: ‘Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang ‘yun at sa mga taong mahal ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending