John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: 'Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang 'yun at sa mga taong mahal ko' | Bandera

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: ‘Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang ‘yun at sa mga taong mahal ko’

Ervin Santiago |May 07,2023
facebook
share this

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: ‘Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang ‘yun at sa mga taong mahal ko’

Ervin Santiago - May 07, 2023 - 07:34 AM

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: 'Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang 'yun at sa mga taong mahal ko'

John Estrada at Priscille Meirelles

BIGO ang members ng entertainment media na makakuha ng statement mula sa veteran actor na si John Estrada hinggil sa marital problems nila ng asawang si Priscilla Meirelles.

Nganga ang mga editor at reporter na nagtangkang makapanayam si John sa naganap na presscon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” last Thursday para tanungin kung okay na sana sila ng kanyang asawang beauty queen.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktor tungkol sa naging issue sa kanila ni Priscilla at sa umano’y pagkakaroon ng third party sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Estrada (@johnestrada__)


Pero base sa mga latest photos na ipinost ni John sa kanyang Instagram, mukhang nagkaayos na nga ang celebrity couple at okay na okay na uli ang kanilang pagsasama.

Simula pa lamang ng presscon ng “Batang Quiapo” ay nagbiro na si John na “walang magtatanong” sa kanya ng hindi related sa kanilang teleserye kasunod ng paulit-ulit na pasasalamat sa mga members ng media.

Pero pagkatapos ng Q&A ay agad nagsuguran ang press kay John at tinanong kung paano naayos ang marital issues nila ni Priscilla.

Mahinahong sagot ni John, “Hindi ko puwedeng iano (sagutin) yan kasi pribado kong buhay ito. Although public figure ako, of course this is my life.

“Kung mayroon man akong sagutan, sa pamilya ko lang yon, sa mga taong mahal ko, yun lang,” aniya pa.

Baka Bet Mo: John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’

Sundot na tanong sa aktor, “Pinag-usapan n’yo rin ba ni Priscilla na next time na magkakaroon kayo ng problema, hindi na ilalagay sa social media?”

“Ah, no comment ako diyan,” ang natatawang tugon ni John.

Noong kasagsagan ng kontrobersya sa pagsasama nina John at Priscilla, talagang na-bash nang bonggang-bongga ang aktor at hinusgahan agad siya ng publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Estrada (@johnestrada__)


Naapektuhan ba siya sa mga hate message na natanggap niya? “Isa lang ang mantra ko sa buhay, kanya-kanyang trip yan. I don’t have to explain myself to everyone.”

Bago pa tuluyang lumabas ng venue ang aktor ay nabanggit pa niya ang mga katagang, “Wala naman akong pinagdaraanan.”

Matatandaang kinumpirma ni Priscilla na may pinagdaraanan sila ni John sa kanilang married life dahil sa third party. Sey ng dating beauty queen, “I don’t understand why people are saying my posts are cryptic. The way I see it, I was very direct to the point.”

“I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons.

“And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako,” ani Priscilla.

Sabi naman ng aktres sa panayam ng ABS-CBN, “If it comes to a point where you have a house and one of the lights is broken, do you change the house or do you fix the light?

“We try to fix the light first. This is basically what’s happening. We are talking. There is no major happening right now. I think the most important part is that we respect each other and we respect each other’s space. All is good,” pahayag pa ni Priscilla.

Nagpakasal sina John at Priscilla noong March, 2012 at biniyayaan sila ng isang anak, si Sammantha Anechka na 11 anyos na ngayon.

Apat naman ang anak ni John sa una niyang asawang si Janice de Belen, sina Ina, Kaila, Moira at Yuan.

Relasyong Regine-Ogie iniintriga, may problema raw sa pagsasama: ‘Uso ang hiwalayan ngayon pero ‘wag na kayo makiuso please!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Estrada ibinandera si Priscilla Meirelles: My one and only queen!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending