Priscilla ‘nawindang’ sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pinas

Priscilla Meirelles ‘nawindang’ sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pinas, netizens relate na relate

Pauline del Rosario - August 25, 2023 - 08:24 AM

Priscilla Meirelles ‘nawindang’ sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pinas, netizens relate na relate

PHOTO: Instagram/@primeirelles

NABABAHALA ang asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa bansa.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng aktres ang litrato ng kanyang mga pinamili sa isang grocery.

Ayon sa kanya, kahit naka-budget siya noon ay dalawang grocery cart na ang kanyang napupuno, pero ngayon daw kaunting grocery items nalang ang kaya niyang bilhin.

“There was a time I would go to the grocery and what I just spent today would result in two overflowing grocery carts. Today, that’s the best I can get,” kwento niya sa IG Story.

Dagdag pa niya, “The price of grocery items is skyrocketing in this country and that’s very concerning.”

Kalakip din niyan ay nagkaroon pa siya ng survey sa kanyang post na kung saan ay tinanong niya ang kanyang followers kung “agree” o “disagree” ba sila sa naging pahayag niya.

Mukhang relate na relate naman ang maraming netizens na nagmahal talaga ang mga bilihin ngayon.

As of this writing, 92% ang sumang-ayon kay Priscilla, habang 8% naman ang hindi sumang-ayon.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles pinatunayan na isang mapagmahal at responsableng tatay si John Estrada; saludo sa mga ‘super dad’

Priscilla Meirelles ‘nawindang’ sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pinas, netizens relate na relate

PHOTO: Instagram Story/@primeirelles

Magugunitang naging usap-usapan sa social media ang aktres matapos aminin na may pinagdadaanan sila ni John.

Pero nagkaayos naman agad ang dalawa at sinabi mismo ni Priscilla sa isang panayam na hindi naman malaki ang naging problema nilang mag-asawa.

Si Priscilla ay dating TV host-actress at beauty queen na nagwagi bilang Miss Globe 2003 at Miss Earth 2004.

Matatandaang ikinasal sina Priscilla at John noong 2011 sa La Union at mayroon silang isang anak na babae na si Anechka na 11-years-old na ngayon.

Related Chika:

Netizens naloka sa P47k grocery ni Ruffa Gutierrez: ‘Sana all ‘di na kailangan tipirin ang P1k!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla Abellana naloka sa taas ng presyo ng gasolina: Hindi pa nga ‘yan full tank!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending