Mister tinutukan ng patalim, pinasakan ng 'lason' sa bibig

Mister tinutukan ng patalim ng 3 lalaki, pinasakan ng ‘lason’ sa bibig

Ervin Santiago - February 05, 2025 - 12:59 AM

Mister tinutukan ng patalim ng 3 lalaki, pinasakan ng 'lason' sa bibig

Stock Photo

NAKAKATAKOT ang nangyari sa isang mister na bigla na lang hinarang ng tatlong lalaki at tinutukan ng patalim habang naglalakad sa Taft Avenue, Manila kamakailan.

Inilahad ng misis ng lalaki ang tungkol sa mala-bangungot na karanasan nito sa pamamagitan ng Facebook na viral na nga ngayon kasabay ng pagbibigay babala sa publiko.

“Sa lahat po ng nagtatanong kung ano po tlga nangyare sa asawa ko na si Justin, paalala ko lng din po sa mga naglalakad pauwi galing Ermita o sa ibang lugar ng Maynila at lalong lalo na sa mga naka duty ng Closing,” ang simulang warning ng asawa ni Justin.

Patuloy pa niya, “Wag na wag po kayo maglalakad sa gabi o 12am sa labas lalo na sa Hindi mataong lugar at sa madidilim na lugar. Matuto po tayo maghintay ng masasakyan kung kinakailangan pauwi sa mga bahay.”

Baka Bet Mo: Hirit ni Heart: ‘I would never ever make taray on someone especially if he’s like a guard or server…’

Ayon pa sa uploader ng viral FB post, bandang 11:30 p.m. ay naghihintay si Justin ng masasakyang jeep mula sa kanyang trabaho sa isang mall sa Ermita, Manila.

Ngunit puro punuan na raw ang jeep na dumaraan sa lugar kaya naglakad na lamang ang mister pauwi. Nang makarating sa madilim na bahagi ng Taft Avenue ay biglang hinarang si Justin ng tatlong lalaki at tinutukan ng patalim.

“Bigla nlng po may humarang sa kanya sa daan na tatlong Lalaki at tinutukan na po sya ng patalim sa likod nya, at tinakot na Hindi na makakauwing buhay sa pamilya nya kung ndi nya Kakainin ung binibigay nila na ndi nya matukoy kung droga o lason.

“Dhil my patalim sa likod nya at tatlong lalaki ito, pinilit nlng nya ipasok sa bibig nya at hinintay sya na nguyain ito bago sya pakawalan ng mga ito.

“Ang ginawa ng asawa ko pilit nyang mag panggap na my nginunguya, pero nalasahan nya na po at my konti na po sya nalunok na lasa.. Nung ndi na po sya sinundan ng mga lalaki, dinura nya po ung lason o droga na un. At nagmadali na makauwi ng bahay.

“Pagdating sa bahay ng 11:55pm maayos pa po sya, nkpag cr pa po sya at nakapag palit pa ng pambahay na damit. Mga 12am sakto po dun nya na po naramdaman ung effect ng pinakain sknya, ndi na po sya makahinga ng maayos at sobrang lamig na ng katawan nya.

“Sinabihan ko po sya na bumaba na po kmi sa kwarto ng magulang ko at humingi na ng tulong. Pagbaba ko po sa sala, kumuha sya ice water na may yelo pa at dali dali nyang binutas at pinanligo sa buong katawan nya, nka 2 o tatlo po sya.

“Nataranta na po kmi lahat dto sa bahay. At dali dali ko po pinunasan sya at pinalitan damit nyang basa. Hirap na hirap na daw po sya makahinga at sobrang init daw po ng pakiramdam nya, pero khit ganun pag hinawakan nmin sya sobrang lamig na ng buong katawan nya.

“Nawalan na po sya ng malay sa sala at naninigas na po buong katawan nya. Pinagtulungan ng pamilya ko buhatin sya pababa ng bahay at dumiretso sakay na po kmi sa trycicle papuntang PGH emergency room,” pahayag pa ng misis ng biktima.

At habang nasa PGH, nagbilin na raw sa kanyang misis si Justin na parang namamaalam na dahil nga sa “droga o lason” na sapilitang ipinakain sa kanya. Bigla ring nangisay ang biktima kaya itinali siya sa hospital bed habang inoobserbahan ng mga doktor.

“After ilang oras, ayun po kumalma na po katawan nya at nkpag pahinga, tumalab na ung gamot ni binigay sknya. Sabi ng mga doctor buti daw at itinakbo nmin agad sya sa hospital kung ndi daw matutuluyan daw asawa ko.

“Grabe daw ung pinakain sknya at ndi rin nila matukoy kung anong klaseng droga o lason ang pinakain sa asawa ko. Buti daw at malakas resistensiya ng asawa ko kaya kinayang labanan ung lason o droga na un.

“Sana hanggat maaari sumakay nlng po tayong lahat pauwi. Grabe na mga tao ngayon, mahirap na kung babae pa ang ma tsempohan ng mga un o bata man o matanda. Matuto tayong mag ingat sa lahat ng oras.

“Hindi ko akalain na mangyayare samin toh. Napakatino at bait ng Asawa ko. Wala ng pinipili mga tao sa mga panahon ngayon makapatay ng tao. Sana nman paliwanagan ang Daanan sa ibang parte ng Maynila. Delikado na po maglakad lakad mag isa.

“Salamat po sa lahat ng nag pray, tumulong samin ng Asawa ko. sa pamilya ko at pamilya ng asawa ko salamat. Salamat sa Diyos dhil naagapan agad ng mga doctor at nurse sa PGH ang Asawa ko.

“Mag iingat po tayo lagi at wag na lalabas ng bahay kung ndi nman kinakailangan. Lalong lalo na wag makakalimot sa itaas pray lagi kay Lord,” ang mahabang litanya ng asawa ng biktima.

Kasunod nito, nagbigay naman si Justin ng update sa kanyang Facebook hinggil sa nangyari sa kanya, “Salamat Po Lord Palagi sa Pag gabay tsaka sa Pangalawang Buhay WALANG HANGGANG PASASALAMAT LORD.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyari sa biktima at sinusuri na rin ang CCTV sa pinangyarihan ng insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending