Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin Bandera

Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Ervin Santiago |September 28,2022
share this

Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 09:43 AM
Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Darryl Yap

MARIING dinenay ng controversial director na si Darryl Yap na sa kanya ang isang Facebook account na nagpapakalat ng fake news sa social media.

Agad na binuweltahan ng “Maid in Malacañang” director ang mga netizens na nasa likod ng nasabing pekeng FB account na aniya’y posibleng mga Kakampinks na galit na galit pa rin sa kanya.

Last Monday, September 26, ibinahagi ni Direk Darryl sa kanyang FB page ang isang litrato kung saan makikita ang post ng isang account na may pangalan na “Direk Darryl Yap.”

Mababasa rito ang mga comments ng netizens na nagtatanong kung nasaan daw ang pangulo noong nananalasa ang Super Typhoon Karding sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Ayan na naman sila sa #NasaanAngPangulo? bakit si PBBM ang hinahanap nyo pag may bagyo at sakuna?


“Eh dapat si Madumb leni ang iharap nyo dyan dahil kayo na rin ang nagsabi na pag may malakas na ulan at malakas na hangin na sya ang nag papatigil neto dahil diba nga may superpowers sya? #SuperPowers,” ang nakasaad sa fake account.

Ang bwelta naman ng direktor, “Hahahaha! itong mga Kakampinks na ito, nangarap na naman na makakapoints sa akin.”

Dagdag na pang-asar ni Direk Darryl, “Hindi talaga kayo mananalo kung imbento nyo ang away, kaaway at argumento hahaha! para sa mga cotton candy ang utak— DI AKO YAN. hahahaha.”

Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing issue.

“Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sabi ni lenlen.. ‘sa mga oras ng pangangailangan lagi sya ang nauuna’.. Buti buhay pa sya, kasi ngayon nagluluksa tayo doon sa talagang mga nanuuna pag oras ng kalamidad na ngayon ay pinagluluksa natin, ang mga nasawing rescuers na dulot ng karding.”

“Direk, iginawa ka nila ng account!…. akala nila ma-capture nila yung wit and intelligence mo…. pathetic liars.”

“Wala na pa pahinga ating PANGULO pagdating nia galing NY ay meeting agad ang kanyang kabenete para sabhin ang mga gagawin konti nmn respeto pagod po sya sa byahe tumulong na lng po tau.”

“Maling pananaw ng mga mapanlibak. Sa mga panahon ng kalamidad at anomang sakuna dapat ang Panginoon ang hanapin. Pray for His protection. Sana itigil na nila yang ganitong masamang ugali na kung ano2 ang ibinabato.”

“Tapos na ang eleksyon at kung gusto nilang ibida ang ina nila at ibenta sa mga botante hindi sa ganitong paraan dahil lalo lng nilang pinapag-init ang ulo ng mga pilipino. Alam nmn nating lahat kung ano ang motibo nila ang maipanalo ang windang2 na inanila.”

“Hayys…nakakalungkot na may mga taong ganyan…gumagawa ng paraan makapanira lang ng kapwa…mga inggit talaga gumagawa ng ganyan
dedma nalang direk…d naman cla mgging immortal,karma is waving sakanila.”

Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs

Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022

Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending