Hirit ni AJ kapag nag-cheat si Aljur: ‘Sisisihin ko sarili ko…’

Hirit ni AJ kapag nag-cheat si Aljur: ‘Sisisihin ko sarili ko…’

Pauline del Rosario - September 02, 2024 - 02:56 PM

Hirit ni AJ kapag nag-cheat si Aljur: ‘Sisisihin ko sarili ko…’

PHOTO: Instagram/@ajravsss

“SIGURO sisisihin ko ‘yung sarili ko.”

‘Yan ang naging sagot ng aktres na si AJ Raval nang tanungin ng batikang broadcaster na si Julius Babao sakaling mambabae ang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Kamakailan lang, nagkaroon ng exclusive YouTube interview si Julius sa batikang aktor na si Jeric Raval, kasama ang kanyang misis na si Holiday Buensuceso at mga anak.

Isa sa mga na-open up ay ‘yung pagiging babaero ni Jeric noon at kasunod niyan ay naitanong kay AJ, “Paano kung gagawin din ni Aljur ang ginawa ni Jeric?”

Tila nabigla si AJ sa tanong at ipinasa niya ito sa kanyang ama.

“Ako kasi, ang tinitingnan ko sa lalaki para sa magiging anak ko ay pagiging responsable kasi maraming lalake ang naging babaero na inabandona na ‘yung pamilya eh. Meron naman akong mga kakilala na babaero rin, pero napakabait,” sey ng veteran actor.

Baka Bet Mo: AJ Raval nanindigang walang anak kay Aljur: Yearly na lang buntis ako!?

Muli namang ibinaling ni Julius kay AJ ‘yung tanong at ito ang naging sagot sa kanya ng aktres: “Siguro kung dumating sa point na ganun, siguro sisisihin ko ‘yung sarili ko. Siyempre, kung saan ako nagkulang, kung naging maayos ba akong partner, naging nagger ba ako, nasuportahan ko ba siya ‘nung time na down siya.”

Patuloy niya, “Pero ngayon, confident ako na hindi niya gagawin sakin ‘yun kasi maganda ‘yung dynamic namin ngayon eh.”

“And of course, galing na siya sa pagkakamali at sinasabi niya na natuto na siya,” aniya pa.

Nang tanungin naman kung ano ang maipapayo ni Jeric sa kanyang anak.

“Huwag mong hayaang manalo ‘yung kerida, parang ganun. [Kasi] parang pinamigay mo na,” aniya.

Kung maaalala, Valentine’s Day ng nakaraang taon nang maglantad sina AJ at Aljur patungkol sa tunay nilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong July 2021 naman nang kumpirmahin ng ama ni Kylie Padilla na si Senador Robinhood Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.

Ito naman ay kinumpirma mismo ni Kylie at Aljur sa magkahiwalay na social media posts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending