AJ nanindigang walang anak kay Aljur: Yearly na lang buntis ako

AJ Raval nanindigang walang anak kay Aljur: Yearly na lang buntis ako!?

Ervin Santiago - August 28, 2024 - 12:34 PM

AJ Raval nanindigang walang anak kay Aljur: Yearly na lang buntis ako!?

AJ Raval (Screenshot from ‘Unplugged’)

SUMUSUMPA ang celebrity couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval na wala pa talaga silang anak tulad ng pinaniniwalaan ngayon ng karamihan sa kanilang mga tagasuporta.

Kamakailan kasi ay may naglabasang mga litrato ang magkarelasyon na may kasamang bata na kuha mula sa isang event na pinuntahan nila.

Ang paniwala ng ilang netizens, baka raw ito ang anak nina AJ at Aljur na balitang ipinanganak noong kasagsagan ng pandemya. May nagsabi rin na mukhang ito ang sinasabing first baby ni AJ courtesy of her former boyfriend.

Baka Bet Mo: Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Ayon pa sa mga Marites, bigla raw nawala sa limelight si AJ at natigil ang paggawa ng pelikula sa Vivamax dahil kinailangan nitong itago ang kanyang pagbubuntis hanggang sa manganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Ngunit sa panayam ng TV5 news anchor at content creator na si Julius Babao kina AJ at Aljur na napapanood sa YouTube channel niyang “UNPLUGGED”, muling itinanggi ng magdyowa na meron na silang baby.

Paliwanag ng dalagang anak ng action star na si Jeric Raval, nawala siya sa showbiz dahil mas pinili muna niya ang tapusin ang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS.

Baka Bet Mo: AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Kung sakali raw na mabuntis siya at maging nanay, hindi niya raw ito itatago dahil magiging masaya siya para sa magiging baby.

“First of all, hindi po ako taun-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis.

“Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man yung maraming tao, ako pa rin po yung pinakamasayang tao sa buong mundo,” ang pahayag pa ni AJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Sey naman ng sexy actress sa mga naglabasang chika sa kanya noon at sa natanggap na pamba-bash ng mga netizens, dinedma na lang niya ang mga ito at nag-focus sa mga positibong bagay.

“Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi nu’ng nawala ako, ang saya-saya ko.

“Imagine, kahit paano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko yung mga tao sa programa na yun. May mga na-inspire ako, bakit ako magpo-pokus sa ganoong bagay, di ba?

“Actually, hindi ko na siya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu, saka yearly ako buntis, everyday (may tsismis),” patuloy pa ni AJ.

Sa hiwalay namang panayam ni Julius kay Aljur, mariin din nitong itinanggi na may anak na sila ni AJ, “Wala po,” ang mabilis na sagot ng aktor.

“Actually, nakita ko yun kagabi (mga video litrato nila ni AJ na may kasamang batang babae). Nakita ko yon sa social media. Sir Julius, hindi talaga, ewan ko ba.

“Yung nangyari nga sa amin noon, parang lumipas muna yung isang taon bago ko nalaman na, ‘Ah, may isyu pala.’

“Yung kagabi, nakita ko nga. Sabi ko, ‘Bakit natsitsismis na may anak kami? Ang bilis namang lumaki ng bata?!’” pagtataka ni Aljur.

Paglilinaw pa niya, “Yung bata na yon, isa sa mga kamag-anak, e. Hindi ko alam kung kaninong anak du’n sa family niya.”

Sabi ni Aljur, masayang-masaya siya sa piling ni AJ, at totoong may plano rin silang bumuo ng sariling pamilya.

“Si AJ, she’s very supportive especially pagdating sa akin, kung paano ko maalagaan yung mga bata,” ani Aljur na ang tinutukoy ay ang dalawa niyang anak sa kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

“Sometimes, siya pa nga ang nakakakita, ‘Alam mo ba na ganito ang hilig ng mga anak mo?’ Kasi minsan, hindi ko nakikita.

“Minsan sasabihin niya, ‘Alam mo ba na appreciative yung anak mo sa ganitong bagay?’ She’s very supportive basta sa ikabubuti ko,” pahayag pa ni Aljur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang bahagi ng panayam ni Julius kay AJ ay napakasakit ng iyak niya nang balikan ang naging buhay noong kanyang kabataan. But that’s another story to tell.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending